“Hindi ka ba mag-i-snack?” Matapos ng klase ay lumapit sa kaniya si Susy, siya ang nag-iisang kaibigan ni Laura. Malayo ang lugar lugar nila sa isa’t isa kaya sa paaralan lang sila nagkikita. “Tinatamad ako,” saad niya rito kahit ang totoo ay naubos ang ibinigay na pera sa kaniya ng Kuya Trevor niya dahil sa ambagan nila sa project. Hindi kasi siya binigyan ng tiyahin niya ng pera matapos ang anihan dahil wala raw siyang ginawa. Ipinagkibit-balikat niya na lang iyon lalo pa at may katotohanan ang sinabi nito. “Wala kang pera, no?” Hinila siya nito at itinayo. “Halika na, sa canteen tayo at may good news ako sa iyo.” “P-pero...” “Wala nang pero-pero, okay? Walang dapat hindi kumakain kapag tanghalian, okay?” “Puwede naman akong umuwi, eh.” “30 minutes na balikan na lakaran?” Hu

