Hamon

2139 Words
Ito yata ang unang araw na papasok ako sa shop nang hindi nakangiti at dahil ngayong araw ay makikita ko ang pagmumukha ni Vayden. Kung bakit kasi nagpadala ako sa kagwapuhan ng lalaking iyon. Bwisit! Pagkatapos kong gumawi sa kwarto ko ay agad na akong lumabas at bumaba para makapag-almusal na kasama ang aking mag-anak. Sa dining area agad ako dumiretso pagkababa dahil nagsisimula ng kumain ang aking pamilya. "Good morning po!" bati ko sa kanila, at isa-isa kong tinungo ang kanilang mga pwesto upang gawaran sila ng halik sa mga pisngi nila. "How's your business, Leira?" tanong ni Lolo sa akin ng makaupo na ako sa upuang nakalaan para sa akin. "Doing great, Lo," nakangiting sagot ko naman agad. "That's nice! Pero paano naman ang request ko sa'yo, Apo?" tanong ulit niya na ikinatawa naman bigla nina Mama. "Lolo, talaga," umiiling kong sabi. "Pagbigyan mo na kasi si Lolo, Ra para hindi ka na niya kulitin," gatong naman ni Kuya Pancho. "Exactly," pagsang-ayon naman agad ni Lolo. "Gentlemen, can you just relax? Hindi ko pa kasi siya nahanap," natatawang sagot ko sa kanila. "Really, Apo? O, baka naman masyadong mahigpit ka naman sa sarilli mo kung kaya't walang nagtatakang manligaw sa'yo," litanya ni Lolo. "Pa, hayaan na lang po muna natin siguro si Leira, isa pa bago pa lang ang negosyo niya let her enjoy it first," wika naman ni Papa kay Lolo. Mabuti na lang talaga at kakampi ko itong si Papa. "Pero mas ma e-enjoy niya ang trabaho niya kapag may kairog na siya, Panfilo kasi may inspirasyon siya sa bawat araw," giit ni Lolo. "That's right, Lolo," mabilis na sang-ayon naman ni Kuya Pancho sa sinabi ni Lolo. Napailing na lamang ako sa kanila dahil mas atat pa talaga sila kaysa sa akin. "Kumain na nga lang muna tayo, at baka malipasan na itong prinsesa natin kakaprotesta ninyo tungkol sa buhay pag-ibig niya," sabad naman ni Mama na sinunod naman agad ng lahat. Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami pareho ni Kuya Pancho upang magtrabaho samantalang sina Mama, Papa at Lolo naman ay naghanda na rin dahil dadalawin nila ngayong araw ang aming namayapang Lola. "Leira anak, pagpasensiyahan mo na kanina ang Lolo mo ha? E, sadyang sabik na talaga siguro iyong magkaapo sa'yo dahil ikaw lang ang babaeng apo niya," wika ni Mama nang maiwan kaming dalawa rito sa dining area. "Nasanay na po ako, Ma," nakangiting tugon ko sa ina. "O siya sige na, humayo ka na at baka mahanap mo na sa shop mo ang hinihiling ng Lolo mo." Natawa na lamang ako sa sinabi ni Mama dahil ka-team din pala siya ni Lolo. Pagkuwa'y nagpaalam na ako sa kanila saka tuluyang umalis ng aming bahay, minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa shop. Pagkababa ko pa lang sa kotse ko ay hindi na agad maganda ang modo ko. Paano umagang-umaga ay nakita ko na ang lalaking kinaiinisan ko ng husto at talagang mas maaga pa siya sa akin. Mula rito sa kinatatayuan ko ay malaya kong pinagsadahan ang nakatalikod at nakatayong si Vayden. He's wearing dark green polo na hanggang siko ang manggas paired with black pants it's a casual attire pero bagay na bagay sa kanya. Kaya maraming nababaliw sa lalaking 'to, e dahil hindi lang siya matangkad, matipuno at gwapo he's good when it comes to his outfits. Pero baka mapunta sa kung saan-saan itong isip ko ay inayos ko na ang sarilli ko at taas noo akong lumapit kay Vayden. Ngunit hindi pa man din ako tuluyang nakalapit sa lalaking kinaiinisan ko ay nanunuot na sa ilong ko amoy niyang napakabango at... nakakahumaling. "Umayos ka, Leira! Umayos ka!" saway ko sa sarilli ko. Ano ba kasi ang meron sa lalaking ito at pabigla-bigla na lang akong bumibigay. Leche! "Ehem!" Agad ko namang nakuha ang atensyon niya dahil agad itong napalingon sa akin. "Good morning, Wife?" nakangiting bati agad niya sa akin sa malambing nitong boses. "We need to talk, Mr. Vayden Austria," sa halip ay maawtoridad kong wika habang nakataas ang aking kilay. "Okay," nakangiting sagot naman agad niya. Nauna na ako paglalakad papasok sa loob ng shop habang siya naman ay naksunod sa aking likuran. Pagpasok namin ay binati agad kami ng iilang empleyado ko pagkatapos ay dumiretso na muna kami sa rooftop ng shop ko para rito sentensiyahan ang betlog kong kasama. "Alam mo ikaw, lalaki ka wala ka bang pinagkakaabalahan sa buhay mo?!" sikmat ko agad sa kaniya. "Meron, My wife, I manage my own bar and my own island as well for our future," nakangiting salaysay niya, na ikinairap ko naman agad. Bilib na talaga ako sa kakapalan ng pagmumukha ng betlog na ito. "I already told you right, Vayden na huwag mo akong tawaging My wife or wife! Dahil hindi mo ako asawa," mariing wika ko. "Not now but I know soon you'll be," nakangiting tugon pa rin niya, hindi man lang ito matinag-tinag sa matigas kong pakikitungo sa kanya. "Pwede ba, Vayden itigil mo 'yang kalokohan mo, akala mo ba hindi ko alam na may jowa ka na?" nang-uuyam kong tanong sa kanya, na ikinalukot naman agad ng noo niya. "Balak mo pa akong gawing kabit, maryosep!" "Wait nga, what are you taking about, Wife? Matagal na akong single," tanggi pa niya. Sabi na, e, hindi pa rin siya nagbabago he's still a womanizer. "Single? E, sino 'yong babaeng kasama mo sa bar mo noong nakaraan?!" Pero nagulat ako sa naging reaksiyon niya dahil natawa pa ito parang g*go lang. "Wife, that girl is my sister si Ate Vida 'yon," natatawang wika niya. Mapanuri ko muna itong tinignan parang imposible kasi but as if this guy read my mind, dahil kinuha nito ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya at pinakita niya sa akin ang family picture nila. At isa lang ang masasabi ko sa pamilyang meron sila ang gaganda ng lahi nila hindi ko rin inasahan na may kakambal pala siyang nag ngangalang Vanna. "Siguro naman naniniwala ka na this time," wika niya sabay balik ng phone niya sa bulsa ng pantalon niya. "Pero bakit ka ba kasi nag invest sa shop ko?" mataray kong tanong. Gustong-gusto ko kasi talagang malaman kung ano ang totoong pakay nito. "Because you're looking for an investor," sagot niya. "Pero ayokong maging investor ka," mariing wika ko. "And why?" "Because I hate you, Vayden!" "But, I like you a lot kaya sorry dahil araw-araw mo na akong makikita rito." Bwisit! "You're free to hate me everyday, Leira but don't expect me to leave," "Bahala ka sa buhay mo!" Agad ko na itong tinalikuran bago pa ako maubusan ng dugo. "Okay sabi mo, e," preskong tugon pa niya. Pagbalik ko sa shop ay trabaho na agad ang inatupag ko at hindi ko na inisip pa ang betlog kong kasama. Pagsapit ng alas dose ay sakto namang natapos ko rin ang trabaho ko kaya naman nagpasya na akong lumabas sa opisina ko at bumaba para makakain na ng tanghalian. "Everyone, let's take our lunch first balik na lang ulit kayo mamayang one-thirty," wika ko sa aking mga empleyado, agad naman nilang binitawan ang kanilang mga ginagawa at nagsilabas na para kumain. Nahuli pa ako dahil nag text pa sa akin si Mama at ang mga kaibigan ko pinaalam nilang hindi sila makakapunta ngayong araw dahil may importante silang gagawin. "Hi, Wife!" Agad akong umirap nang makita ko na naman si Vayden. "Kain tayo?" Yaya pa niya sa akin. "Kumain ka mag-isa mo," malditang sagot ko at agad ko na itong nilagpasan. "Sabay na tayo, kakain na rin naman ako, e," wika niya. "No way, Vayden! Pwede ba maghanap ka rin ng makakainan mo," sikmat ko sa kanya. "Hindi pa kasi ako familiar masyado sa lugar na ito kaya pwede bang sabay muna tayo? Please..." pakiusap niya. Pinag-aralan ko muna ang emosyon niya kung talaga bang nagsasabi ito ng totoo baka kasi mamaya niyan pumapara-paraan lang siya. "Fine! Pero huwag kang makulit." "Yes, Wife!" tugon agad niya at sumaludo pa talaga ang loko. "Vayden, hindi ako kumakain sa mamahaling restuarant hindi rin sa fast-food chain kaya pwede ka pang mag back out baka kasi hindi mo magustuhan ang pagkain sa kakainan ko masasayang lang pera mo," pagbigay-alam ko sa kanya. Kahit naman kasi mayaman kami ay simpleng mga pagkain lang din ang kinakain ko at hindi sa masyadong mahal dahil may mas dapat akong pagkakagastusan. "Gwapo lang ako pero hindi ako mapili sa pagkain, Wife kahit ikaw nga pwedeng-pwede kong kainin, e," pilyong sabi pa niya habang nakangiti. "Yuck, Vayden!" nandidiring sagot ko naman agad sa kanya, at kung pwede ko lang talaga siyang suntukin ngayon ay kanina pa lumipad ang kamao ko sa mukha niya dahil sa kabastusan ng bibig niya. "Just kidding, Wife, tara kain na tayo," Yaya na nito sa akin. Nilakad lang namin papunta sa isang cafeteria kung saan kami kakain malapit lang naman kasi. Pagpasok namin sa loob ng cafeteria ay nakuha agad namin ang atensyon ng mga tao na narito at alam kong dahil iyon kay betlog. Nang balingan ko ito ng tingin ay parang wala lang naman ito sa kanya sa halip ay niyaya na ako nitong mag order. "Ako na o-order hanap ka na lang ng mesang p-pwestuhan natin," utos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod. Gustong-gusto ko talaga siyang inisin dahil sa paglinlang niya sa akin kaya ngayon ay gagantihan ko siya. Lahat ng inorder kong pagkain ay 'yong sa tingin ko hindi niya makakain. Pagkatapos kong mag order ay dumulog na agad ako sa mesang inakupahan niya at kitang-kita ko agad ang pagtataka ng mukha dahil sa mga pagkain na nasa tray. "Wife, bakit tatlong ulam lang?" tanong niya. "Bakit, hindi pa ba sapat sa'yo ang tatlo?" tanong ko rin sa kanya. "Kulang pa 'to, Wife dagdagan pa natin ang sasarap kasi ng mga inorder mo." Kaagad na tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko lubos akalain na magugustuhan pala niya ang mga inorder ko. "Sure ka, kumakain ka ng mga niyan?" paniniyak ko. Isaw, nilagang okra at pinangat kasi ang inorder ko. "Oo naman, Wife ang sasarap ng mga niyan," nakangiting sagot niya. At totoo ngang kumakain siya ng mga inorder ko dahil mas marami pa siyang kain kesa sa akin nakailang order pa ulit siya ng ulam at kanin. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti dahil sa nakikita ko ngayon at sa natuklasan ko tungkol kay Vayden ang simple naman pala niyang tao kahit na namamayagpag ang pangalan nila sa buong mundo. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin agad kami sa shop dahil may mga iilang tatapusin pa ako sa opisina. Parehas lang kaming tahimik habang binabaybay ang daan pabalik sa shop at nakasunod lang si Vayden sa likuran ko, sa sobrang tahimik pala naming dalawa ay hindi ko namalayang hanggang dito sa loob ng opisina ko ay nakasunod pa rin siya. "Hanggang dito ba naman nakasunod ka pa rin?" masungit kong tanong sa kanya. "May itatanong lang kasi ako sa'yo," sagot niya at hindi man lang nito inisip ang pagsusungit ko. "Kaya mo ba ako dinala roon sa cafeteria na kinainan kasi akala mo hindi ko magugustuhan 'yong mga pagkain doon?" tanong niya. "Parang ganoon na nga," sagot ko naman agad sabay lapit sa desk ko at umupo sa swivel chair. "Well, marahil kilala man ang pamilya namin pero simpleng tao lang naman ako tulad ng sinabi ko kanina sa'yo kaya kahit saan mo pa ako dalhin sasama ako as long as ikaw ang kasama ko," litanya niya habang nakangiti pero ikinangiwi ko iyon. Ako kasi iyong kinikilabutan sa huling sinabi niya. "As I said I like you, kaya lahat gagawin ko makasama ka at para mapatunayan ko sa'yong seryoso talaga ako." Eksaherada namang tumaas agad ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Nakalunok siguro 'to ng katol kung anu-ano kasi ang pinagsasabi niya. "Talaga lahat?" nagdududang tanong ko. "Oo lahat-lahat, My wife," determinadong sagot niya. Bilib na talaga ako sa lalaking ito. Sige tutal lahat dahil daw gagawin niya naman lahat lubusin na natin. "Sige mag-ipon ka ng five hundred tanzan." Tumaas naman agad ang kilay niya nang marinig niya ang sinabi ko. "Five hundred?" pag-uulit niya. "Yes! Bakit may reklamo?" mataray kong tanong na ikinatawa naman agad niya. "Tss... siyempre wala, Wife malakas ka sa akin, e." Napailing na lamang ako sa sinagot nito. "Good. Bukas ng gabi ko kailangan 'yon kaya dapat walang labis, walang kulang." "Noted, My wife, pero may gusto muna akong malaman," wika pa niya. "What is it?" tanong ko naman agad. "Anong reward ko kapag nakahanap ako ng five hundred tanzan?" Segurista rin pala ang betlog na 'to. "Mag de-date tayo pero sa lugar na gusto ko," sagot ko na nagpaaliwalas agad sa mukha niya. Tignan ko lang kung magagawa ba talaga niya ang unang hamon ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD