Bumalik ako sa table namin pagkagaling ko ng banyo,panay pa ang palinga-linga ko sa paligid baka makita ako ni Hazel.
"Where have you been,"?tanong ni Thorn.
"Nagbanyo lang,"sagot ko.Naupo naman siya sa tabi ko.
Tumingin ako sa paligid ko nagbabaka-sakali na makita ko ang kaibigan kong si Marie,dumadalo din kasi sila sa mga ganitong okasyon.Ngunit pagtingin ko sa bandang kaliwa ko nakita ko si Ante Evelyn na masamang nakatingin sa akin kasama nito ang maldita niyang anak na kulang yata sa aruga.
Naglakad sila palapit sa deriksyon ko,nagkunwari lang akong hindi ko sila nakita.
"Magandang gabi Mr&Mrs Smith,ganun din sayo Mr.Carter."bati ni Ante Evelyn sa kanila.
Alam ko ang ugali ni Ante wala suyang pinipiling lugar para ipahiya ako nagmana nga sa kanya ang anak niya.
"Pwede ko ba munang hiramin ang pamangkin ko,mag-uusap lang kami."wika ni Ante.Hinawakan niya ako sa kamay para tumayo wala naman akong nagawa kundi sumunod.
Dinala niya ako malapit sa fire exit
"Anong ginagawa mo dito Catherine?dito ka na naman ba manlilimos?hindi ka nababagay sa lugar na ito bakit ka nandito ha,"galit na sabi ni Ante sa akin.
"Ante sinama po ako dito ni Mr.Carter,siya po ang nag imbita sa akin dito."sagot ko sa kanya.
"Nagpapatawa kaba?ikaw iimbitahan dito,sino kaba sa akala mo?sagot naman ng maldita niyang anak.
"Kusa po akong inimbitan ni Mr.Carter dito Ante,hindi ko naman po kayo pinapakialaman kaya sana po wag niyo rin akong pakialaman."sagot ko sa kanila.
Tumalikod ako para sana bumalik na sa party pero sinabunutan ako ni Hazel sa buhok.
"May plano kabang landiin si Mr.Carte o Mr.Smith pa makaahon sa hirap ha?para sabihin ko sayo hanggang diyan nalang ang buhay mo habang buhay ka ng mahirap."sabi nito habang sinasabunutan ako.
"Aray...Hazel ano ba bitiwan mo ako."pero parang wala man lang siyang narinig.
Hindi ko magawang makalaban sa kanya dahil hawak ako ng mama niya.Pakiramdam ko matatanggal ang anit ko sa sobrang sakit ng pagsabunot niya sa akin.
"Bitawan niyo siya."boses ng isang babae.nawala naman ang mga kamay ni Hazel na nakahawak sa buhok ko.
"Miss Smith wag kang magpalinlang sa babaeng yan,alam mo bang pareho niyang nilalandi ang pinsan mo at si Mr.Carter."sabi ni Ante Evelyn.
Hindi naman pinansin ng babae ang pinagsasabi nila.Tinulungan niya akong tumayo at inalalayang maglakad paalis sa lugar.Dinala niya ako sa isang kwarto.
"Maupo ka muna,kukuha lang ako ng medicine kit para magamot yang sugat mo."sabi nito.
Nakayuko lang ako habang tumutulo ang mga luha ko.Lumapit naman ang babae na may dalang medicine kit.
"Salamat Miss."sabi ko sa kanya
"Walang ano man.Bakit ka nila sinasaktan?kilala mo ba sila?tanong nito.
Tumango naman ako at sinabi sa kanya kung sino ang dalawang babae na nanakit sa akin.
"Tama ba ang sinabi nila na kilala mo si Mr.Carter at Mr.Smith?
"Si Mr.Carter ang nag-imbita sa akin dito,kilala rin ako ni Mr.Smith,"sagot ko.
"Hindi ko pa pala napakilala ang sarili ko sayo.Ako nga pala si Maxene Smith pinsan ko si Bowen Smith."
"Ako si Catherine Gallego."pakilala ko sa kanya.
Sinabi niyang magpahinga nalang muna ako at wag nang bumalik sa party,may mga galos kasi ako gawa ng mahabang kuko ng malditqng hazel na yun.Pinahiram naman ako ni Maxene ng damit na pamalit.
Sa party naman ay hindi mahanap ni Thorn si Catherine.Hindi niya alam kung saan ito nagpunta m,nakabalik na ang tiyahin niya pero siya wala pa.Kaya naisip na lang na tanungin na mismo ang tiyahin nito.
"Excuse me po,dba kayo po ang kasama ni Catherine kanina?nasaan po siya?kasi hanggang ngayon hindi pa siya nakakabalik sa table namin."wika ni Thorn sa Ante ni Catherine.
"Nang matapos kaming mag-usap kanina nakita ko siyang may kasamang dalawang lalaki mukhang sweet pa nga sila eh"paninira ni Evelyn.
Tinalikuran naman siya ni Thorn at bumalik na sa table nila,sinubukan niya itong tawagan pero hindi ito sinasagot ni Catherine.
Sa kwarto naman ni Maxene ay matapos magpalit ni Catherine lumabas na siya ng banyo,naabutan niya si Maxene na may kausap sa cellphone,naupo nalang muna siya sa pang-isahang upuan.
Lumapit si Maxene sa kanya at naupo sa katabing upuan.Bigla niya nalang hinawakan ang kwentas na suot ko ng mapansin niya ito.
"Saan mo nakuha tong kwentas mo?tanong nito.
"Sa akin po to,nakasuot po sa akin to ng makita ako ni Papa."kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"What do you mean ng makita?
"Nakasuot po sa akin to ng makita ako ni Papa sa damuhan malapit sa kalsada,sa madaling salita ampon lang po ako ng mga kinikilalang magulang ko"sagot ko sa kanya.Nakitaan ko naman siya ng pagkagulat.
"Are you sure na sayo ang kwentas na ito?what i mean is hindi mo ba napulot lang o binigay sayo?tanong nito na ipinagtataka ko.
"Hindi po,nakasuot po sa akin to ng makita ako ni Papa"sagot ko sa kanya.
Magsasalita pa sana siya ng mapansin kong umilaw ang cellphone ko sa katabing upuan,kinuha ko ito at nakita kong marami na palang misscall si Thorn nakalimutan kong naka silent pala ang cp ko.Nagpadala lang ako ng text sa kanya at sinabi kong kasama ko ang pinsan ni Bowen.
"Maxene nagpdala ako ng mensahe kay Thorn at sinabi kong kasama kita,baka kasi mag-alala siya sa akin nakakahiya naman sa kanya."sabi ko sa kanya.
"Hintayin mo lang ako dito pupuntahan ko nalang sila."tumango naman ako sa kanya.
Tsaka naman siya naglakad palabas ng pintuan.
Bakit parang interesado si Maxene sa kwentas ko.Baka iniisip niyang ninakaw ko to.