Pagsubok
Naalimpungatan ako dahil sa tuloy-tuloy na pag-ubo ni Mama,bigla akong bumaba ng kama at tumakbo papunta ng kwarto niya.
Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto niya nakita ko siyang halos di na makahinga kakaubo.
"Ma anong nangyayari sa inyo bakit hindi matigil-tigil yang ubo niyo,nag-aalalang tanong ko.Hindi niya naman ako magawang sagutin dahil panay ang ubo niya,kinuha ko ang gamot niya at tumakbo sa kusina para kumuha ng tubig.Binigay ko sa kanya ang gamot at tubig para inumin niya.
"Ma kailangan na nating pumunta ng ospital baka ano pa ang mangyari sayo"sabi ko sa kanya.
"Anak wala tayong pera para pampa ospital"sagot naman niya."Tsaka na natin problemahin kung saan tayo kukuha ng pera ang importante madala kayo sa ospital magbihis kana aalis na tayo."
Bumalik naman ako sa kwarto ko pinalitan ko lang ang pajama ko nagsuot lang ako ng short, naka tshirt naman ako kaya hindi na ako nagpalit ng damit.kinuha ko ang nayira kung pera sa bag ko,buti nalang may isang libo pa akong natira sa napagbintahan ko ng gulay may pamasahe na rin kami papuntang ospital,nilagay ko lang ito sa bulsa ko pati ang cellphone at lumabas na ng kwarto.
Nakita ko si Mama nasa sala na siya,kumuha lang ako ng jacket niya at pinasuot sa kanya nilagyan ko na rin siya ng mask.pagkatapos ay tsaka kami lumabas ng bahay,sumakay naman kami ng taxi para magpahatid sa ospital.
Makalipas ang ilang minuto narating na namin ang ospital nagbayad lang ako sa driver at bumaba na rin kami,inalalayan ko si Mama na maglakad nanghihina siya dahil sa kakaubo niya.nagtanong ako sa guard kung saan pwede magpa check up tinuro niya kami sa emergency,naglakad kami papunta doon,pagdating namin may nurse na lumapit at tinanong kung sino ang magpapa check up tinuro ko naman si Mama.binigyan niya kami ng papel para fill upan,pagkatapos ko ay ibinalik ko ito sa kanya.
Hindi naman katagalan ng may lumapit na doctor kay Mama para i check,,sinabi niya na kailangan munang i admit ni Mama.Kailangan daw kasi i x ray si Mama bukas para malaman kung may problema ang lungs niya,hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera.
Dinala si Mama sa isang bakanting hospital bed at doon pinahiga,meron ding pinainom sa kanya para maibsan ang pag-ubo niya at makapag pahinga siya.Nakaupo naman ako sa tabi ng kama ni Mama,napansin kung nakatitig si Mama sa akin.
"May masakit po ba sayo Ma",tanong ko.Umiling naman siya,,sinabi ko sa kanya na matulog na siya.Nang makita ko si Mama na mahimbing ng natutulog lumabas ako ng emergency room,lumabas ako ng hospital at nagtago sa isang madilim na sulok.Doon ko iniyak lahat ng problema ko,ang bigat ng nararamdaman ko,ayaw kung ipakita kay Mama na pinanghihinaan ako ng loob.
Lord parang awa niyo na tulungan niyo naman ako sa problema ko,tulungan niyo akong malagpasan ang lahat ng ito.Mahal na mahal ko si Mama hindi ko kayang nakikita siya na nahihirapan pagsusumamo ko,gusto kong lang ilabas lahat ng bigat na nararamdaman ko.
Nang medyo gumaan na ang nararamdaman ko nagpasya na akong pumasok ulit para balikan si Mama.