Sabay na kaming kumain ni Brent sa opisina niya. Roon lang kami nakapwesto sa center table, magkatabi habang nakatapat sa malaking glass wall kung saan kitang-kita ang tanawin sa labas.
Tumahimik na ako pagkatapos ng mga naging sagot niya kanina sa akin. Pakiramdam ko ay kuntento na ako roon, naging payapa na ang utak ko at nahimasmasan din ako.
"Ang kaunti mo kumain?"
Dinig kong pagpuna niya, nang mapatingin sa plato ay kaunti pa lang ang nababawas ko. Sinulyapan ko ang plato niya, paubos na iyon at patapos na siya.
"Uubusin ko ito. Mabagal lang talaga ako kumain... wala kasing gatas," sabi ko, kapagkuwan ay mabilis na sumubo.
"Hot or cold?" tanong niya sa gilid ko.
"Hot." Hindi ko alam kung ako lang ba, pero hindi kasi kompleto ang pagkain ko nang walang ka-partner na gatas.
Kahit tanghali pa iyan, umaga o gabi, kahit saan pa ako nagwo-work, kailangan ko ng gatas para malunok ko nang maayos ang kinakain ko. Alam iyon ni Mama, kaya hindi nakapagtataka na palagi siyang may pabaon na gatas sa akin.
Ilang sandali nang biglang tumayo si Brent. Sinundan ko ito ng tingin at nakitang nagtungo ito sa kaniyang pantry. Kumuha siya ng dalawang tasa sa hanging cabinet at nilagyan ng mainit na tubig mula sa kaniyang water dispenser.
Tumalikod na siya at inabala ang sarili sa ginagawa. Nakatanaw lang ako sa kaniya, lalo sa matipuno niyang likod. Suot nito ay white long sleeve polo na bahagyang nakatupi ang sleeve sa kaniyang braso. Naka-tuck in iyon kaya kita ko rin ang matambok niyang pwet.
Nag-init ang pisngi ko at madaling nag-iwas ng tingin. Naalala ko na naman iyong sinabi niya kanina, binabaliw ko raw siya? Aba, sino ba sa amin?
Malakas akong bumuntonghininga hininga. Mayamaya nang bumalik si Brent sa tabi ko, inilapag nito ang isang tasa ng mainit na gatas, sa kaniya ay mainit na kape. Nangunot ang noo ko.
"May gatas ka na rito sa office mo?" maang kong tanong, nakaraan lang ay puro kape ang nakita ko roon sa pantry niya.
Kumibot ang labi niya, tila biglang nahiya sa reyalisasyon ko. "Pinabili ko kay Renzo."
"Bakit?"
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti, kitang-kita iyon ni Brent dahilan para lalo siyang mahiya. Namula ang magkabilaang tainga nito. Humaba ang nguso niya at mukhang ayaw nang sumagot.
"Nakauwi na pala ang Mama mo? Kailan pa?" aniya na iniiba ang usapan.
"Noong gabi na dapat ay magkikita tayo sa coffee shop." Nakangiti pa rin ako.
"Umuwi ka nang malaman mo iyon?"
"Yup!" sagot ko at binalingan na ang pagkain, sunud-sunod akong sumubo dahil tunay ngang natapos na si Brent sa pagkain niya, sinundan ko ng pag-inom sa gatas na tinimpla niya.
Hindi na muna rin nagsalita si Brent habang nakamasid sa akin. Pinapanood lang niya ako na para bang hinihintay niya akong matapos bago siya magtanong ulit.
Mahina akong dumighay.
Natawa pa ako at saka nilingon si Brent. Sa totoo lang ay hindi ko matagalan ang paninitig ni Brent, tipong lahat ng atensyon niya ay nasa akin kaya pasimple kong binawi ang mga mata ko rito.
"Galit ka sa kaniya?"
"Noong una..." Tumango-tango ako. "Akala ko kasi ay sumama siya sa ibang lalaki, na iniwan niya kaming mga anak niya rito sa Pilipinas. Two years siyang walang paramdam, walang tawag o text."
"Pero nalaman mo na binubugbog pala siya ng amo niya? Na ayaw siyang pakawalan at ikinulong sa bahay nila?"
Ngumuso ako. Nagtatakang nilingon ko siya. "Alam mo naman pala yata lahat ng kwento sa buhay ko, nagtatanong ka pa?"
Kinagat nito ang pang-ibabang labi. Guilty siyang nag-iwas ng tingin habang pumupuslit pa rin sa labi nito ang pinipigilan niyang ngiti.
"Hindi naman lahat. Huli ko na lang din nalaman kay Renzo."
"Kapag nalaman ko pang pinapa-imbestigahan mo ako, ako na ang sasapak sa inyong dalawa."
Napatingin siya sa akin. Napansin niyang seryoso na ako kaya mabilis ding nabalisa ang mukha niya. Lumapit siya banda sa akin, rason para mawalan ng espasyo ang gitna naming dalawa.
"Hindi na, I promise!" Itinaas nito ang kanang kamay sa ere, tanda ng pangangako niya. "Nababahala lang din kasi ako, who could it be kung hindi ako?"
"Hindi ko rin alam."
Kibit ang balikat ko sa tanong niyang iyon. Iniisip ko nga ngayon, nagkataon lang ba na si Brent ang una kong customer doon? O nakatadhana talaga na siya ang makikilala ko sa gabing iyon?
Gusto kong paniwalaan iyong pangalawa. Kasi hindi ko rin ma-imagine ang sarili sa ibang lalaki. Ano nga kaya ang magiging sitwasyon ko kung hindi ako sinundan ni Brent noon? Kung hindi niya ako pinilit?
Baka siguro hanggang ngayon ay hirap pa rin ako sa paghahanap ng pera. Marahil hanggang ngayon ay pakalat-kalat pa rin ako sa kalsada habang walang kapaguran na naghahanap ng trabaho.
"Pero alam mo?"
Sinulyapan ko si Brent, wala pang anu-ano nang yakapin ko ito. Pinulupot ko ang dalawang braso sa kaniyang baywang at mahigpit siyang niyakap.
"Thank you..." bulong ko sa kaniyang dibdib. "Kung hindi dahil sa 'yo, baka sa kalsada na kami pupulutin."
Natahimik si Brent. Tila nabigla sa ginawa kong pagyakap kaya kaagad din akong kumalas, pero bago ko pa man iyon magawa ay mas hinila niya ako palapit sa katawan niya. Kulang na lang ay kandungin ulit niya ako.
"You can take all my money, Lalaine. Kahit ini-scam mo ako, as long as you're here with me, I don't care."
Mahina akong natawa.
"Hindi naman ako scammer, 'no!"
Hindi rin naman ako nanghuhuthot ng pera kay Brent, bagkus ay siya itong panay ang bigay sa akin. Panay ang waldas niya sa akin, ang dami niyang offer, hindi siya nawawalan ng perang pangpain sa akin.
Niyapos niya ang baywang ko, ramdam ko rin ang paulit-ulit na paghaplos ng isa niyang kamay sa mahaba kong buhok. Ang ulo niya ay naroon banda sa tainga ko kaya dama ko rin ang bawat paghinga niya.
Lumanghap ako ng hangin nang maramdaman ang kakaibang kiliti sa tiyan ko. Nagtataasan din ang balahibo sa batok ko dahil sa ginagawa niya, lalo itong magkadikit naming katawan.
Kung wala pa sigurong nangyayari sa amin ni Brent, kaya ko pang hindi mag-isip ng kung ano. Pero ngayon ay hindi na. Lumilipad ang utak ko, pati ang katawan ko ay nag-iinit na.
Wala sa sarili nang kurutin ko ang tagiliran ni Brent. Hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili ay gagawin ko. Napalundag sa gulat at sakit si Brent, kinuha ko iyong pagkakataon para makatayo.
"Aayusin ko na ito," sabi ko at itinuro ang pinagkainan namin.
"Mamaya na." Muli akong hinila ni Brent dahilan para tuluyan akong mapaupo sa hita niya kagaya ng nangyari kanina.
"Brent!" singhal ko rito.
Kaagad niya akong ikinulong nang yapusin niya ang baywang ko. Mabilis niyang nahalikan ang pisngi ko, paulit-ulit na para bang nanggigigil siya.
"I have a question, Lalaine," bulong niya sa tainga ko.
Hindi na ako makapag-concentrate, pero nagawa kong balingan siya. Nakatingin ito sa akin habang sobrang lapit niya sa pisngi ko. Isang halik pa ulit ang ginawa niya.
"Ano?" mahina kong tanong, totoong nanghihina na.
"Nabitin ka ba?" Ngumiti siya— alam niya.
Kumibot ang labi ko.
"Sakto lang..."
Halos tawanan niya ako sa naging sagot ko. Lintik, alangang sabihin ko ang totoo, na nabitin nga ako?
"We can still do it, right?" Sa pagkakataong iyon ay namamaos na siya.
"Dito sa office mo?!"
Sunud-sunod ang naging paghinga ko nang maramdaman ang lumalaking bukol sa gitna niya. Para iyong tumutusok sa akin na kahit nakasuot ako ng pantalon ay damang-dama ko iyon.
"Hmm..." Tumango-tango si Brent habang inaayos na ang buhok kong nagkalat sa gilid ng tainga ko, kasabay ng magagaan niyang paghalik sa pisngi ko.
Halos makiliti ako. Napahawak ako sa balikat niya upang pigilan siya, pero ayaw niyang magpatinag. At para namang gusto ko talaga siyang tumigil.
Sa bawat paghalik niya ay napapahalinghing ako. Kakaiba ang hatid nito sa akin, tila kuryente na bumubuhay sa katawang lupa ko.
Wala na akong naging sagot, wala ng salita ang lumalabas sa bibig ko at purong ungol na lang ang nagagawa ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa balikat niya nang walang kahirap-hirap ako nitong inikot upang ipaharap sa kaniya.
Mabilis na tinalunton ng labi niya ang labi ko. Mapaghanap ang mga halik niya, para bang sa dalawang araw na nagdaan ay grabe ang pangungulila niya.
Ganoon din ako. Hindi ko maamin sa kaniyang nabitin ako, pero alam ko iyon sa sarili ko. Kaya hindi na rin ako nagpapigil pa. Tinapatan ko ang pwersa ng paghalik ni Brent, ibinabalik din sa kaniya iyong kiliting nararamdaman ko.
Hinaplos ko ang leeg niya at kumapit sa kaniyang batok. Mas hinigit ko ito upang mas malalim siyang mahalikan, saka naman ako tumingala nang bumaba ang labi niya sa panga at leeg ko.
Naramdaman ko na lang din ang isa niyang kamay na naroon na sa loob ng damit ko, humihimas sa dibdib ko.
"Ahh..." Mas napakawalan ko ang mga ungol ko at napahawak sa buhok niya. "Brent!"