Chapter 21

1480 Words
Gabi na noong magising ako, wala ng araw sa labas ng balcony. Hindi na kami nakapanood ni Brent ng sunset. Paano ba naman kasi, pagkatapos sa banyo ay ilang beses pa namin iyong ginawa rito sa kama. Iba-ibang pwesto at posisyon. Siguro ay hindi na rin ako ginising pa ni Brent dahil alam niyang pinagod niya ako. Wala siyang kasawaan. Parang hindi natitinag, hindi lumalambot. Kasalanan ko rin naman, tanggap ako nang tanggap. Nag-init ang pisngi ko nang maalala iyon. Pagka-check out namin ni Brent ay kumain na muna kami sandali sa isang restaurant, saka kami nagtungo sa isang souvenir shop at bumili ng mga pagkain na pwedeng ipasalubong sa bahay. Puro sa akin nga lang lahat. Aniya ay wala rin naman daw kakain sa bahay niya, since siya lang ang mag-isang nakatira roon. May kaniya-kaniya kasing bahay ang dalawa pa niyang kapatid. Ang mga magulang naman ni Brent ay may sarili ring bahay, nakabukod sila sa isa't-isa. Kaya pala ganoon na lang din kung magkaroon ng sariling mundo ang pamilya niya, kasi mas marami pa iyong mga oras na magkakahiwalay sila. Hindi ko naman sila masisisi, kung ganiyan na marami rin silang inaasikaso kagaya ng pagpapalago ng kani-kanilang kumpanya, hindi nga nakapagtataka na baka hindi na nila kilala ang isa't-isa. "Wala ba kayong reunion?" takang tanong ko, kanina pa nag-iisip at masyadong pinoproblema ang pamilya niya. Nasa biyahe na kami. Pasado alas otso na rin at palabas pa lang kami ng Tagaytay. Yakap-yakap ko si Brent sa tiyan nito habang bahagyang nakahilig ang dibdib ko sa kaniya, ninanamnam ang init at tigas ng kaniyang likod. "Mayroon, yearly," simple niyang tugon. "Pumupunta ka?" Alam ko na hindi gaanong nakatulog nang maayos si Brent, kaya gusto ko rin siyang kausapin para hindi siya antukin. Nauna kasi itong magising kaysa sa akin. "Noong huli ay hindi." "Bakit?" Matagal bago nakaimik si Brent, tila ba pinag-iisipan muna niya ang isasagot nito. O kung tama pa ba na malaman ko iyon. Masyado na iyong personal. "My ex was there," kalaunan ay iyon ang naging sagot ni Brent sa malamig na tono. "In-invite siya ng family ko." Tumango-tango ako sa utak ko dahil parang hindi ako makagalaw, pati ang magsalita ay hindi ko magawa. Nananatili akong nakayakap sa kaniya habang mas lumalalim ang naglalaro sa isipan ko. May naging girlfriend pala siya. Syempre naman! Sa gwapo ba naman nitong si Brent. Isa pa, sa tanda niyang iyan, hindi naman iyan tutungtong sa edad na twenty nine nang hindi nagkaka-girlfriend. Baka rin ay hindi lang iyon ang una niya, marahil ay last girlfriend lang nito. Lalong-lalo at habulin siya ng babae. Feeling ko nga ngayon ay maraming mayroong crush si Brent sa company nito, palihim lang at baka bigla silang mawalan ng trabaho— kagaya ko. "Siya lang ba ang nilegal mo?" Sa wakas, kahit papaano ay nagkaroon ng maliit na boses ang utak ko sa mga katanungang gusto ko pang itanong. "Yup." Deretso ang tingin ni Brent sa daan, hindi siya gumagalaw bukod sa tuwing kailangan naming lumiko. "Swerte niya," wala sa sarili kong bigkas dahil totoong nawawala na ako sa tamang huwisyo, parang mali na nagtatanong pa ako sa mga bagay na alam kong ikasasakit ng damdamin ko. "Pang-ilan ba siya sa naging girlfriend mo?" "First." Una pala, bakit parang hindi pa siya nakaka-move on? Ganoon ba kahirap mag-move on kapag nilegal sa pamilya? "And last," dugtong ni Brent. Tuluyan akong hindi nakapagsalita. Bumuka ang bibig ko ngunit hindi salita ang lumalabas doon, kung 'di pagsinghap. Gusto kong tanggalin itong helmet para mas makahinga ako nang maayos. Wow, first love pala. Halos tawanan ko ang sarili. Tawang-tawa ako sa utak ko dahil hindi ko maiwasang mainggit sa reyalisasyong iyon. Siguro kung ako iyong babae na 'yon, parang ang laking karangalan na first love ako ng nag-iisang Brent Leander Salvatore. Pero bakit niya sinayang? Bakit sila naghiwalay? Sa anong dahilan? Ang dami ko pang gustong itanong sa kaniya, bandang huli ay itinikom ko na lang ang bibig ko. Parang nadala na ako. Feeling ko kapag may nalaman pa ako ay masasaktan lang ako lalo. "Okay lang 'yan. Ako nga rin, may naging boyfriend ako no'ng high school," sabi ko na lang para pagtakpan ang sarili. "Kumusta na kaya 'yun si Derick?" Ngayon ko lang siya naalala, grade ten kami no'n at parehong graduating. Alam ko na hindi 'yon seryoso, iyong literal na puppy love kung tawagin. Hindi formal, hindi legal, bata pa kasi kami at wala rin kaming official break up. Pagkatapos kasi ng graduation namin ay bigla na lang siyang nawala. Hindi siya um-attend ng graduation ball. At ang sabi pa ng mga batchmate ko, nag-migrate na siya sa Australia at doon na nanirahan. Para sa akin ay wala lang din naman 'yun. Hindi ko na dinibdib kasi totoo namang puppy love lang 'yun. Mababaw na rason para lang masaktan pa. Malayo sa dinaramdam ni Brent ngayon. Hindi na nagsalita si Brent, parang wala namang balak kaya natahimik na rin ako. Buong biyahe ay pareho kaming tahimik. Humikab ako noong maramdaman ang antok. Ilang oras pa bago kami nakarating at huminto sa kanto namin. Papikit-pikit na ang mga mata ko. Wala na rin sa ulirat pa para bigyan pansin ang mga tingin ni Brent nang makababa sa motor niya. Ako na rin ang nagtanggal ng helmet ko at saka ibinalik sa kaniya. "Antok na ako," panimula ko, alam ko ring pagod na siya kaya mabuting makauwi rin siya kaagad sa bahay nila. "Una na ako. Ingat sa pag-uwi." Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Inunahan ko na nang pagtalikod ko. Mabilis ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa amin. Sa bahay ay naabutan ko ang mga kapatid ko sa sala, kagaya pa rin ng nakagawian nila ay nanonood ng paborito nilang palabas. Si Mama ay alam kong nasa kwarto na niya, maaga siyang natutulog. Kaya dumeretso na rin ako sa sariling kwarto. Hindi ko na nagawa pang maligo o magpalit ng damit, tinanggal ko lang iyong jacket at sapatos ko, saka pabagsak nang nahiga sa kama. Pinagpasalamat ko na Sunday bukas, mahaba-haba ang pahinga ko. At hindi ko makikita si Brent. Salamat talaga. Mahimbing ang tulog ko sa gabing iyon na kahit anong ingay ng cellphone ko sa paulit-ulit na pag-ring nito ay hindi ako nagigising. Kahit noong pumasok ang kapatid ko sa kwarto namin. Kinabukasan ko na nakita iyong mga missed call ni Brent. Siguro ay nakauwi na siya nito at gusto na naman ng kausap pampatulog. Samantalang magkausap naman kami kagabi, magkasama pa. Hindi ko na siya binalikan ng tawag. Nang sumapit ang hapon ay inabala ko ang sarili, minabuti kong maglinis ng kwarto, mag-ayos ng mga gamit at magtapon ng mga bagay na hindi na kailangan. Nakalkal ko pa iyong yearbook namin noong grade ten, pati iyong picture na kasama ang buong section. Tumitig ako sa mukha ni Derick— Derick Villafuego. Isa siya sa pinakamatangkad sa section namin kaya nakatayo ito sa likod, ako naman ay nakatayo rin mula sa harap niya at nasa dulong parte. Kaya kitang-kita ang magkahawak naming mga kamay. Wala sa sarili nang mapangiti ako sa kawalan. May pamilya na siguro ang lalaking 'to, pero masaya naman ako sa kung ano ang pinili niyang buhay. Hindi nagtagal ay maigi ko ring ibinalik ang mga lumang litrato sa box. Maingat ko iyong inilagay sa itaas ng cabinet ko. Patapos na ako, nagmo-mop na lang at literal na naliligo na rin ako ng pawis. "Ate..." Si Luna na kaagad kong sinigawan nang balak niyang pumasok sa kwarto. "Maghintay ka! Patuyuin muna 'to." "May bisita ka," segunda niya. Hindi ko siya pinansin at sinaraduhan pa ng pinto. Mga ilang minuto bago ako tuluyang natapos. Buhat-buhat iyong timba na may lamang maruming tubig at dala ang mop nang mapadaan ako sa sala. Paniguradong si Tanya lang iyong bumisita, mukhang ngayon lang yata siya nagkaroon ng oras na magpunta rito. Palibhasa ay sobra-sobra kung kumayod. Nagpapadala kasi ito ng pera sa pamilya niyang naiwan sa probinsya nila. Nandito lang siya sa Manila para makipagsapalaran at nangungupahan lang din siya rito sa lugar namin. Ngunit laking gulat ko nang hindi mukha niya ang makita ko, kung 'di mukha ni Brent. "Ate! Nandito iyong boss mo," pahayag ni Lance habang dala iyong isang baso ng mainit na kape. "Akala namin kung sinong manliligaw mo. Ang daming bodyguard na taga-barangay natin," tumatawang saad ni Luna. "Akala siguro ng mga kapitbahay ay artista." "Nagtanong daw siya roon kung saan ka nakatira kaya sinamahan na siya ng mga tanod," dugtong ni Mama. "Ito na, Sir Pogi!" si Liam na inilapag sa center table iyong hawak na tinapay at biscuit na siyang pasalubong ko kagabi. Napatingin ako kay Brent. Talagang tumayo pa siya nang makita ako. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tapos na akong naligo kaninang umaga, pero alam kong mukha akong dugyot sa itsura ko. "Anong ginagawa mo rito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD