[WARNING: SPG] Ganoon lang palagi ang naging routine namin ni Brent at masaya na ako sa ganoon. Sobrang saya ko na sa kung anong mayroon kami. Parang sa ngayon ay wala na akong mahihiling pang iba. Napangiti ako habang pinagmamasdan si Brent na naroon sa swivel chair niya. Kunot ang noo nito habang nakatuon ang atensyon sa kaniyang laptop. Kapag usapang trabaho, palagi siyang seryoso. Parang hindi nagpapa-istorbo, pero sa tuwing tinatawag ko naman siya ay kaagad niya akong babalingan. Paminsan-minsan nga ay naabutan ko pa siyang nakatitig sa akin, animo'y sa akin kumukuha ng solusyon o sagot sa tinatrabaho niya. Ngayon ko napagtanto iyong sinabi ni Mama— na mukhang ako pa iyong boss ni Brent. Wala sa sarili nang matawa ako. Kapag kaming dalawa lang, siguro nga ay oo, kasi wala naman ta

