Kabanata 34 Sabrina’s POV Tulad ng plano ko ay pinuntahan ko si Tonyo pagtapos kong mag-almusal. Sina daddy at Farida ay sabay nang umalis dahil hinahatid talaga siya ni daddy at ako lang ang nahihiwalay dahil may sarili naman akong sasakyan. The reason why I want to visit Tonyo is because I have to tell him some of plans habang nandito ako sa panahon ko. Yes, I have to consider na maaari pa akong mapadpad sa panahong iyon dahil sa orasan. Alam ko naman na anumang oras ay puwede akong mag-time travel ulit. Sa plano ko ay ako lamang mag-isa. But now that Tonyo is here, mas makabubuti kung makakasama ko siya dahil malaki rin naman ang kinalaman niya sa kung ano ang mga nakalatag kong plano. Nang marating ko ang farm ay naroon na nga ang mga trabahador na kasama si Tonyo. Nagbubuhat siya

