Kabanata 58 Sabrina’s POV Hindi ko na alam kung ano nga ba ang mga dapat kong isipin. Mas lalo akong naguguluhan lalo pa at nananatiling tahimik si Tonyo. Gaano ba kalalim ang iniisip niya at hindi niya pa rin makuha ang dapat niyang intindihin. Alam kong may mga hinala na rin si Tonyo at ang iniisip niya ngayon ay kung maaari ba iyong mangyari. Ang hinala ko na baka nga si Sergio ang nag-time travel ay agad ko ring binitiwan dahil alam ko na imposible iyon. Huwag naman sana iyon din ang nasa isip ni Tonyo. But is that even possible? Maaari nga kayang nag-time travel din si Sergio at ang eksenang nakita niya ay ang nangyari sa twenty first century? I laugh mentally dahil sa sarili kong pag-iisip. Nahihibang na yata ako at hindi makapaniwala sa pag-iisip na mayroon ako. Hindi ko alam ku

