Kabanata 64 Sabrina’s POV Wala na nga akong nagawa pa nang si Tonyo ang makakasabay ko sa paglalakad. Kahit ano yatang takas ang gawin ko para pansamantalang iwasan si Tonyo ay hindi ko magagawa. Nagkakalapit at nagkakalapit pa rin kaming dalawa. Wala akong takas dahil ayoko naman na maapektuhan ang mga nakapaligid sa amin na wala namang alam sa hindi namin pagkakaunawaan. "Halina kayo,” yaya ni Aling Teofila at nagsimula na silang mag-asawa sa paglalakad. Wala na kaming nagawa pa ni Tonyo kundi ang sumunod sa kanila. Nauuna sila sa amin at nasa likod lamang nila kami at may kaunting pagitan. Sinadya namin ni Tonyo na bahagyang dumistansya sa kanila upang makaiwas sa pagkakahalata nila. Alam nila na lagi kaming nag-uusap at nagkukwentuhan ni Tonyo at sigurado kami na mahahalata nila kun

