Kabanata 62 Sabrina’s POV Matapos ang masayang hapunan kasama ang pamilya ni Tonyo ay nagpaalama na rin sila. Hindi ko na rin sila pinigilan sa pag-uwi o tinangkang makipagkwentuhan na muna dahil alam ko rin naman na pagod din sila at nais nang magpahinga. Dahil may kasabay akong muli sa hapag ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. They were like angels sent from above. Parang kanina lang ay nag-eemote ako na muli kong naramdaman ang pag-iisa dahil sa sobrang tahimik akong kumakain kanina. Then as if on cue, narinig ko ang pagdating nila. Instantly ay nagkaroon ako ng makakasama. Maraming salamat sa kanilang pamilya. Hindi pa rin pala talaga ako pinapabayaan ng Diyos. Sa tuwing nararamdaman ko na mag-isa ako ay gumagawa talaga siya ng paraan para hindi ko maramdaman na pinapabayaan

