Kabanata 60 Sabrina’s POV Tulad ng ginawa niya sa akin nang makita ako kahapon ay hinila niya ako papasok at mabilis na sinarado ang pinto. Tila tama nga ang hinala ko na siya lang ulit mag-isa ang nandito. At hindi ligtas ang ganoong setup lalo na kung araw-araw magiging ganito ang takbo ng maghapon niya. Kaya kung ipagpipilitan ni Oriang na huwag sabihin ang lahat ng nahahalata namin ay hindi na ako papayag. Ang unang araw ay maaaring mapalagpas ko pa. Pero kung ganitong marami pa rin ang nagmamatiyag na kastila sa paligid ng kanilang bahay ay hindi ko na kayang manahimik at hindi sabihin ang lahat kay Ka Andres. “Wala pa ring nalalaman ang iyong asawa tungkol sa lahat ng ito, hindi ba Oriang? Tama ako?” puno ng pagdududa kong tanong at hindi agad nakasagot si Oriang. Sa pananahimik

