Magdadalawang-buwan pagkatapos ng graduation namin ng High school at matapos ang mahabang proseso ng pag-enter ko sa college school na napili ko ay sa wakas papunta na kami ngayon sa dorm na pagtutuluyan ko ng anim na taon.
"L, don't forget about me, ha..." ani Laurence nang makarating kami sa dormitory. 6 miles away from the school na papasukan ko. Tumawa ako rito.
"Akala mo naman nasa airport tayo," tawa ko rito. Tumawa rin siya at iniayos ang mga gamit kong dala.
"Nadala mo ba lahat ng mga files mo?" tanong ni Mama na siya namang aligaga na mangiyak-ngiyak dahil first time nya raw mag-hatid at mapahiwalay sa anak.
"Opo, Ma. Wag ka masyado mag-alala. Na-check ko lahat bago umalis," sagot ko. 'Yung kapatid ko namang bunso ay umiyak nang umalis kami. Binilinan ko siyang magpakabait. Akala mo talaga nasa ibang bansa ako eh, noh?
"At tsaka Ma, uuwi naman ako kada-break. So, wag masyado ma-heart break ha!" biro ko rito. Ipinasawalang bahala niya ang biro ko at inilabas ang mga gamit ko. Inayos niya ang higaan ko. Nilagyan niya ng sapin, unan at ang bear na ibinigay sakin ni Laurence nung kami ay nag-1st year Anniversary.
Habang si Laurence naman ay inilabas ang slippers ko na siya namang aking sinuot. Chineck ko ang comfort room. Maayos at maganda. At wow, susyal! Mayroong heater! Check na check 'di ko na need mag-painit ng water every morning. Si mama pala nagpapainit. Huhu. I'm going to miss her so much.
So this is what adulting feel like, ha? No one is going to take care of me except myself. Kinalabit ako ni Mama.
"Lara, bumili ka na ng mga pang-snacks and everyday food mo. Para ilagay mo sa pantry," sabi niya. Kinuha ko ang atm na iniabot niya sakin at hinila si Laurence na nag-aayos ng kitchen. Maliit lang ang space na ito. Siguro mga 18 square meters, may isang bedroom na may 2 bed bunks, isang comfort room at isang kitchen na kasama na ang living room. Spacious siya. Wala naman laman ang living room, though, 'di ko talaga masabi if may living room. Hahaha!
"Kailan daw darating 'yung roommate mo?" tanong sakin ni Laurence nang makalabas kami ng dormitory.
"Hindi ko sure eh, pero sabi ng may-ari is baka raw next week. From Laguna pa raw," sagot ko. Tumingin siya sa akin na ikinahinto ko sa paglalakad.
"Babae 'yan diba?" tanong niya ulit habang nakakunot ang kanyang noo. Tumawa ako rito at hinampas siya ng marahan.
"Alangan! Nasa kabilang building ang boys dormitory no!" sigaw ko rito.
Nang makarating kami sa grocery ay binili ko na ang mga kailangan ko na good for 1 month, para every month nalang ako mag-grogrocery since monthly naman allowance ko. Hays. Ako nalang ba talaga mag-isa? Bumili ako ng foods, mga pang-ligo, pang-laundry at kaunting makeup na siya namang kinakunot ng mukha ni Laurence.
"Aba, sinong pagpapagandahan mo rito at wala naman ako rito ha?" biro niya. Tumawa ako at hinalikan ang kaniyang pisngi ng mabilis. Si Laurence naman ay mag-tatake ng Civil Engineering sa Bulacan State University where his other relatives are settling. I mean, taga bulacan din. Two streets away from the University daw. Magkalayo kami nang hindi naman masyadong malayo. Makati ako at siya naman ay sa Manila. So, pwede na rin noh?
"Gusto ko lang maging presentable! Hello, mag-memed school ako!" sagot ko naman habang tumatawa. "Nakita mo ba 'yung mga doctor, ang gaganda at gwapo nila kahit andami nilang inaaral!" dugtong ko. Totoo diba! Kahit na anlalaki ng eye bags nila, eh mukhang wala! Hm. The power of make-up!
"Sinong gwapo?" sagot naman niya. Aba! Seloso talaga! Tumawa nalang ako rito at pumila sa counter nang matapos na kami sa pagkuha ng mga items na needed ko.
Nang makauwi na kami, thanks to grab dahil sa rami ng aming dala ay hindi kami masyado napagod. Tinulungan ako nina Ma at Laurence na ayusin ang mga pinamili namin. At matapos ang ilang oras ng pag-aayos at pag-set up ng mga gamit ko ang study table ko ay nag-padeliver kami ng food.
"Saan ka pala maglalaba?" tanong ni Ma. Ilang lakad lang rito ay mayroong self-service na laundry. Mura rin, so hindi na ako mahihirapan.
"Sa baba, Ma. Malapit lang rito. Napansin mo ba, Laurence 'yung nadaanan nating palabahan?" tanong ko kay Laurence at bumaling rito na nakatuon sa kaniyang cellphone. Nakakunot ang kaniyang noo at mga ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.
"Ay opo, Ma... Self-service nga," sagot niya. Tumingin sa akin si Ma at kumunot ang noo. Nangungusap sa mata niya na tanungin ko kung anong mayroon.
"Uhm, Laurence, may problema ba?" tanong ko. Tumingala siya sa akin at dinapuan kami ng tingin ni Ma sabay ngiti.
"Ah, wala! Mayroon lang sinabi ang kapatid ko," ngisi niya at binaba ang kaniyang phone sa lamesa at pinagpatuloy ang kaniyang pagkain. Hindi ko na siya muling tinanong at tinapos nalang ang kinakain ko at pinagkibit-balikat ko kay Ma.
Habang nagliligpit si Ma ng pagkainan ay pumasok ako sa loob ng kwarto at sinenyasan si Laurence na pumasok din. Mga ilang segundo ay pumasok din siya sa loob.
"L, anong problema?" tanong ko rito. Umupo siya sa kama at unti-unting lumungkot ang kaniyang mukha.
"Sinugod si Mama sa ospital," sagot niya na kinagulat ko. Hinawakan ko 'yung kamay niya.
"Magiging okay ang lahat, L. Don't worry ha?" sabi ko rito at niyakap siya. "Bakit daw, Mahal?" dugtong ko.
"Bumagsak nalang daw bigla habang nagtatrabaho," aniya. Hinaplos ko ang likuran niya.
"It's going to be fine...doon ka ba didiretso?" tanong ko. Tumango siya at humiwalay sa pagkakayakap sakin. "I'll be fine here. I-text mo ako kaagad pagkarating mo 'ron ha. Saang ospital daw?" dugtong ko.
"Sa East Ave," sagot niya. Malapit lang 'yung sa bahay namin. Mga 20 minutes na biyahe galing sa school namin dati.
Maya-maya pa ay dumating na si Ma. Magdadapit-hapon na nang napagdesisyunan nina Ma at Laurence na umalis sa dorm. Kailangan din kasi umalis agad ni Laurence. Niyakap ko si Ma ng mahigpit.
"Mag-iingat kayo ni Louise sa bahay, Ma. Sabihan mo ko 'pag ang kulit-kulit ni Loui," bilin ko. Ngumiti siya sa akin. Umaklas ako sa yakap ko kay Ma at niyakap rin si Laurence. Lumabas naman ng pintuan si Ma to give us privacy. Sana ol, no?
"Everything will going to be alright. Don't worry to much." sabi ko rito habang yakap-yakap siya. "Sabihan mo ako kaagad, love ha..." hinalikan ko ang pisngi nito nang umaklas ako sa yakap. Tumango siya sa akin at hinalikan rin ang aking pisngi. Ngumiti kami sa isa't-isa. Hinawakan niya ang kamay ko at gumawi na kami papalabas.
Hinatid ko sila Ma at Laurence hanggang sa pinakalabas ng dormitory. Sumakay sila ng taxi. Kumaway ako sa kanila at nananalangin na maging okay ang lahat sa pamilya ni Laurence at sa pamilya ko.