(Simon) Mabilis na dinala ng mga tauhan ko sa hospital ang kapatid ni Gabriel na si Shannon. Nailigtas pa ito pero may pumatay din dito at nakita sa CCTV ng hospital ang paglabas ni Gabriel mula sa kwarto ng kanyang kapatid, bago bawian ng buhay ang babae. Lumabas sa imbestigasyon na may pumatay dito at si Gabriel ang itinuro na suspect. Ginawa ko ang lahat para mapakulong si Gabriel at nagtagumpay naman ako. Pero, iginiit nya na inosente sya at ako ang pumatay sa kanyang kapatid. Pero, lahat ng ebidensya ay nagtuturo sa kanya. Nang nalaman ang sinapit ng kanyang mga anak, nagpakamatay ang ina nina Shannon at Gabriel. Wala na din balita sa kanyang ama. Masaya na kami ni Shannon, buong puso ko nang tinanggap na mahal ko sya. Nagpaplano na kami na magsama, at plano ko na syang pakasalan.

