(Kate/ Shannon) Sumasakit daw ang tiyan ni Erwin, kaya nauna na syang umuwi sa akin. Pagkatapos kong mabasa ang text message ni Erwin, agad akong lumabas ng sinehan at napagpasyahan ko na umuwi na lamang. Hanggang ngayon, hindi parin ako marunong magmaneho kaya hatid sundo parin ako dapat ng driver. At dahil nangako sa akin si Erwin na ihahatid ako kaya hindi ako nagpasundo ngayon. At dahil biglang sumakit ang tiyan nito, na dahilan kaya umuwi ito agad, kaya ngayon kasalukuyan akong naghihintay ng taxi. Napatingin ako sa kotse na huminto sa aking harapan. Bumukas ang pinto nito sa bungad ko. "Ms.Williams, sumakay kana. Ihahatid na kita." Ani ng nagmamaneho ng kotse. Napataas ang aking kilay. Sino sya para utos- utusan ako? Hindi ko sya pinansin. "Ms. Williams, wag mong hintayin na b

