(Simon/ Nicollo) Binabaybay ko ngayon ang daan papunta sa mansyon namin mga Montreal. I have to talked to my parents. Kailangan na nilang gawin ang gusto kong mangyari, para kalimutan na ni Shannon ang tungkol kay Simon at magpokus nalang sya sa akin na si Nicollo. Bigong- bigo ang aking nadarama ngayon, I am so dissapointed with myself. Nilakasan ko na ang aking loob para masabi kay Shannon ang katotohanan tungkol kay Simon nang biglang dumating si Celine. Agad akong pinaghinaan ng loob kaya hindi ko napanindigan ang sinabi ko na mahal ko si Shannon. Natatakot ako na baka matawag ako ni Celine na Simon, kahit Nicollo naman talaga ang tawag nya sa akin kahit noon pa. Alam kong dissapointed din si Shannon sa akin, kaya kagabi, humugot na naman ako ng lakas ng loob para maamin na sa kany

