(Shannon/ Kate) Umupo ako sa isang stool na pumalibot sa pahabang mesa. Ipinatung ko ang aking kamay sa ibabaw ng mesa. Nakaramdam ako ng panlalamig, manipis na tela lang kasi ang suot ko sa ilalim ng mahaba at malaking jacket ni Nicollo. Nasundan ko ng tingin si Nicollo, may kausap sya sa phone. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa tinapos na nya ang tawag. Gumapang ang kakaibang kaba sa akin nang napalingon sya sa akin. Hindi ko maipaliwanag itong nadarama ko ngayon, tila may isang damdamin na kay tagal ng panahon na nakatago at ngayon natagpuan ko muli nang nagpasingabot ang mga paningin naming dalawa. "N- nakakahiya naman kay attorney. P- pwede naman siguro ipabukas natin ito." sambit ko. Talaga naman nakakahiya sa attorney na sinasabi ni Nicollo. Gabing- gabi na pero binubula

