(Shannon) Nakapaskil sa aking mukha ang isang malapad na ngiti habang binuksan ko ang pinto ng kwarto. "Baby---"agad na sambit ni Nicollo. " I'm sorry, magpapali----" Natigil sya sa iba nyang sasabihin nang agad kong ipinulupot ang aking braso sa kanyang leeg. "You don't have to explain." nilambingan ko ang aking boses. "Alam ko naman na wala kang kasalanan. Alam kong kasalanan ni Celine. Nilalandi ka nya." Napanganga sya sa aking sinabi. Sinalubong ko ang kanyang mga titig para ipakita sa kanya na walang halong kaplastikan itong paglalambing ko sa kanya ngayon. "H- Hindi na galit? Pero kanina---" "Yes, I'm mad kanina. Pero, narealize ko na hindi pala ako dapat nagalit agad sayo. I should trust you. Dahil kung mahal mo ang isang tao, dapat mo syang pinagkakatiwalaan. And I love you.

