Natasha Astrid’s POV “Bakit pati ang panty ko, pinapasok mo sa bagahe mo?” Nakadapa ako sa kama niya habang nakapalumbaba at pinapanood siya sa pag-iimpake niya para sa pag-alis niya bukas. Hindi rin kami nagtagal ng Hong Kong at umuwi rin kami. Nakiusap din muna ako kay Daddy na dito muna ako sa bahay ni Jacob dahil aalis na rin naman siya bukas ng umaga. And pumayag naman si Daddy. Sasamahan din ako bukas ni Daddy sa paghati sa kanya sa airport. “For souvenir.” Napairap ako sa kanya at sinara na niya ang zipper ng maleta niya, “Baka naman ipapasuot mo lang ‘yan sa babae mo sa Italy. Hindi mo ba afford na bilhan siya ng panty?” Tumaas ang sulok ng labi niya at alam kong nagmumulto ang ngiti sa labi niya. Napairap ako sa kanya at naglakad siya palapit sa akin. Naupo siya sa gilid ko a

