Habang nasa byahe kami ay panay ang sulyap sa akin ni Xedric. "May sasabihin ka ba?" Tanong ko dito. Matagal na katahimikan muna ang lumipas bago ito sumagot sa akin. "Thank you!" Tipid na sagot nito pero ang laki ng impact sa akin. "Para saan ang thank you na iyan?" Tanong ko dito. "Dahil sa baby." Sagot nito. "Bakit ka naman nagpapasalamat sa akin? Hindi naman ito mabubuo ng ako lang kaya naman may ambag ka dito okay." Sabi ko dito. "Malayo pa ba ang bahay ng mga magulang mo?" Tanong ko dito. "Medyo malayo pa,,pwede ka muna matulog kung gusto mo." Sabi nito. Ipinikit ko na lamang ang aking mata kahit pa hindi naman ako inaantok. Masyado kasing mabilis ang mga nangyayari ngayon. Kahapon lamang ay nalaman kong buntis ako,,at ito nga ngayon si Xedric at sobrang mapag-alaga sa aki

