Habang nasa taas sila ay muli akong bumalik sa pagluluto ng agahan namin. Kung bakit ba naman may sapak itong girlfriend ni Xedric. Nang matapos akong makapagluto ay eksaktong pababa na din sila kasama ang pinsan ni Xedric na isa palang doktor. "Nakapagrest ka na ba?" Tanong ni Xedric sa akin. "Oo,,tapos na!" Tipid na sagot ko dito. "Kumain na muna tayo Harris."Pag-aya nito sa pinsan niya at umupo na nga ang mga ito,, habang ako ay nakatayo lamang. "Miss upo ka na,,huwag ka ng tumayo lang diyan." Sabi ng pinsan nito na sa tingin ko pa lamang sa ugali nito ay parang babaero din. "Hindi siya pwedeng sumabay sa atin!" Ani ni Xedric dito. "Bakit naman hindi,,asawa mo siya!" Sagot dito ni Harris na tila seryoso na ang tono ng boses. "Huwag mo siyang pakialaman Harris!" Madiin na pagkak

