Naalimpungatan ako ng may malambot na bagay ang umaangkin sa labi ko ngayon. Nang imulat ko ang aking mata ay si Xedric pala at hinahalikan na ako nito ngayon. Dahil sa gulat ay naitulak ko ito. "Ano ba Camilla?" Sigaw nito sa akin dahil nauntog ito sa gilid ng kotse. "I'm sorry!" Naiiyak na sabi ko dito. Ang galit na nakikita ko sa mga mata nito kanina ay napalitan na ngayon ng maamong mukha. "Hindi ako galit please,,huwag ka ng umiyak diyan!" Malambing na sabi nito. "Sorry kung nagsigawan kita,,bakit kasi bigla ka na lamang nanunulak diyan!" Sabi nito na siya pa talaga ang may ganang magtanong sa akin kung bakit ko siya naitulak. "Bakit kasi gigisingin mo lang naman pala ako ay nanghalik ka pa diyan!" Sabi ko dito. "Kanina pa kasi kita ginigising diyan ay hindi ka magising kaya

