Halos hindi ko na alam kung Ilang oras na ba akong nandito sa loob ng banyo. Hinang-hina ako kakasuka na halos isuka na lahat ng aking kinain kanina. Hanggang sa maramdaman ko ang paghaplos sa aking likod ng kamay na hindi ko pa man tinitingnan kung sino. "Anong nangyayari sa'yo Camilla?" Tanong nito na halata sa boses ang pag-aalala sa akin. "Halika dito,,okay ka lang ba?"muling tanong nito na pilit na inihaharap sa kanya ang mukha ko. Ako naman ay dahil hinang-hina na ay nagpaubaya na lamang dito. Imbes na sagutin ito ay kinuha ko na lamang ang pregnancy test sa aking bag at inaabot dito. "Anong ibig sabihin nito Camilla?" Takang tanong pa nito sa akin. "Buntis ka ba?". "Oo,kaya naman makikiusap ako sa'yo na sana ay tigilan muna ang pagdala dito kay Martha,,dahil Xedric magkaka

