Habang nasa byahe papunta sa kompanya ay kabado pa ako dahil baka mamaya ay hindi ako papasukin doon. Hindi ko pa naman alam ang number ng asawa ko,kaya habang nakasakay ngayon sa taxi ay lutang na ako. "Ma'am nandito na po tayo!" Sabi ng driver sa akin. "Salamat po Manong,"sabi ko dito ng makababa at makapagbayad. Nang nasa tapat na ako ng mismong building ay nalula ako sa laki nito. Lumapit ako sa guard at dito na lamanitnitng naisipan magtanong kung nasaan ang opisina ng asawa ko. "Manong guard,,pwede po ba magtanong?" Sabi ko dito. "Ano po iyon ma'am?" Balik tanong nito sa akin. "Saan dito ang opisina ng aking asawa na si Mr.Xedric Valderama?" Tanong ko dito at ang mukha nito ay tila nagulat pa. "Ma'am okay lang ba kayo o isa din kayo sa mga babaeng nagkakandarapa kay sir Xed

