Makalipas ang dalawang linggo at nandito lamang ako palagi sa bahay,,may oras din ang pagtutuk ko sa gadgets para sa mga exam or mga report na kailangan ko ipasa. Nakakasabay naman ako sa mga lessons kaya naman pagkatapos kong manganak or kapag okay na ang aking pakiramdam ay babalik ako sa face to face classes mas madali pa din kasing maintindihan kapag may magdidiscuss sa'yo ng mga kailangan matutunan although mahilig naman akong magbasa,, syempre mas maganda pa din iyong may natutunan sa mga taong dumaan na sa ganitong pag-aaral. "Ma'am,,may gusto po ba kayong kainin?" Tanong sa akin ni Precy ang bagong katulong namin na medyo bata at nakasundo ko naman agad ito dahil galing din talaga ito sa hirap kaya naman nasasabayan ko ang bawat kwento nito na siyang araw araw ay halos naubosan

