“Mabuti naman at nakapagready ka na at hindi ko na kailangan pang maghintay ng matagal sayo.” Sabi nito pagkapasok palang namin sa bahay. Kinuha ko na din ang dala nito at ako na ang nag-akyat sa kwarto. Nang maayos ko na ang lahat ay bumaba din aga ako,dahil baka mamaya ay maging halimaw na naman ito. Mukhang good mood din ito ngayon kaya naman sana ay hindi na muna ito saniban ng masamang espirito. Ako naman ay nagsuot na lamang ng simpleng jeans at at t-shirt. Wala naman kasi akong ibang dala kundi tatlong pares lang naman ng damit kaya naman tyagaan ko na lamang muna ito. Nang makababa ako ay titig na titig na naman sa akin ang asawa ko. “May mali ba sa suot ko?” Aking tanong dito ng makalapit ako. “Wala naman,, iniisip ko lang kasi na wala ka bang mas maayos na damit pa?” Sabi

