Present time
Tumigil sa pagbabasa ng mga files si Wesley nang pumasok sa opisina si Mr. Altamirano. Ang kasalukuyan niyang boss. Nagtataka man dahil hindi ito nakasuot ng formal ay tumayo pa rin siya para ipagtimpla ito ng kape.
Nagulat siya nang pinigilan siya ng lalaki, "It's okay, Wes. Nag-order ako ng pizza para magkasalo tayong kumain ng lunch. Parating na si Marco."
Kinabahan si Wesley sa kakaibang ikinikilos ng lalaki. Kapag kasi pumapasok ito ay papeles agad ang hinahanap. Workaholic si Mr. Altamirano pero mabait naman kapag tapos na ang trabaho.
Natawa ang lalaki sa nakitang reaksyon niya.
"Hindi na ako magpapaligoy pa," simula nito. "I'm leaving the company."
"Ho?" bahagyang nagtaka si Wesley. Alam niyang mahal na mahal ni Mr. Altamirano ang kumpanyang iyon. He started it from scratch hanggang sa lumago ang kumpanya. Bakit naman ito biglang aalis?
"Don't worry, hindi ka matatanggal. Isa pa, anak ko rin naman ang magmamanage. Naisip ko lang na masyado kong ibinuhos ang panahon ko sa kumpanya. I want to rest. I'll just spend my time sa pag-aalaga ng mga apo ko at pagtratravel kasama ng asawa ko."
Kahit nalungkot ay hindi napigilang mapangiti ni Wesley. Taon-taon yatang nanganganak ang panganay na anak ng matanda.
"Naiintindihan ko po, sir. It was a real pleasure working with you. Salamat po sa pagkakataong ibinigay niyo. I'll make sure na I'll give the same loyalty to my new boss."
Natutuwa siyang tinapik ni Mr. Altamirano, "Grabe ka naman. Magkikita pa naman tayo. Huwag kang mag-alala, alam kong magiging mas maayos ang pamamalakad ng bagong CEO."
"Sino po? Si Emman po ba?" kilala niya ang mga anak nito. Ang mga ito pa nga ang naging dahilan para makapasok siya sa kumpanya.
Umiling ang lalaki, "Emman is busy dahil may gusto daw siyang asikasuhin. Isa pa 'yun. Gusto ko sanang bantayan mo ang batang iyon. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari e. Natatakot ako sa mga banta sa kanya."
Hindi nakakibo si Wesley. Kung alam lang nito na kakutsaba siya ng lalaki.
"Edelweiss will take over as the new CEO."
Natawa si Mr. Altamirano sa nakitang reaksyon ni Wesley. Alam niya kung gaanong kasuplada ang anak nito at madalas siyang tarayan.
Maya-maya ay dumating ang pizza at kasunod noon ay dumating rin si Marco galing sa isa nilang kliyente. Masayang kumain ang tatlo habang pinag-uusapan ang mga plano ni Mr. Altamirano. Muling nakaramdam ng lungkot si Wesley.He will really miss this guy na para na rin niyang tatay. He has no problem working with Edel though. Mabait ang babae at ito pa nga ang nakiusap sa ama noon na kunin siya bilang secretary nito. Pero mahihirapan na siya sa misyon dahil siguradong babantayan ni Edel ang mga galaw niya at ng mga kapatid nito.
"Mukhang mahihirapan tayong tulungan si Emman," wika ni Marco habang nasa byahe. Sumabay na itong umuwi dahil wala itong dalang kotse.
"Kausapin na lang natin nang maayos si Edel," sagot ni Wesley. "Alam kong gagawin niya ang lahat para kay Emman."
Marco scoffed na ikinatawa ni Wesley. Simula nang magkakilala ang dalawa ay hindi na magkasundo. Suplado rin kasi ang kaibigan.
"Paano ba 'yan? Siya na boss natin sa lunes," sabi ni Wesley sabay halakhak.
"Sasagasaan ko na lang ulit para magka-amnesia at bumait," walang kangiti-ngiting sabi nito.
Lalong natawa si Wesley pero hindi na kumibo.
"Wala kasing s*x life," natatawa niyang bulong sa sarili.
Naghiwalay na sila ni Marco nang madaanan nito ang tinutuluyang townhouse. Sa isang subdivision lang sila nakatira na bagama't hindi mamahalin ay maayos ang security at malapit sa police station. Dahan-dahang pumasok sa pinto si Wesley kung saan siya sinalubong ng dalawang anak.
"Papa," malambing na naglambitin sa kanya si Thea at Thyke.
"Look, 'pa, perfect ko 'yung exam," wika ng walong taon na si Thyke. Hindi naman nagpatalo ang babae at ipinakita rin ang award nito.
Natutuwang ginulo ni Wesley ang buhok ng dalawa, "I'm so proud of you, Thea, Thyke. Lagi niyo na lang pinapasaya si Papa. Pero lagi niyong iisipin na mahal na mahal kayo ni Papa kahit pa hindi kayo makakuha ng perfect na score. Ang mahalaga sa'kin nag-aaral kayong mabuti at masaya. Tsaka nagpapakabait kayo lagi."
Seryoso naman tumango ang dalawa.
"Sige, dahil dyan, oorder ako ng bucket meal."
Tuwang-tuwa naman ang dalawa at agad na nagtungo sa kwarto nang utusan niyang maglinis ng katawan at maghanda para sa hapunan.
Nakangiti naman siyang pinagmamasdan ng kasintahang si Yssa kasama ang kapatid nitong si Nadya.
"How was your day?" lumapit si Wesley sa babae para halikan ito sa pisngi.
"I'm fine," nakangiting sagot ni Yssa. She's pretty kahit pa simple lang ito. Gustong-gusto ni Wesley ang inosenteng mukha ng kasintahan.
"Pinagod ka ba ng mga bata?"
"Hindi naman.Nakakatuwa nga.Ang dami nilang kwento tungkol sa mga kaklase nila."
"Salamat sa pagbabantay," tumabi rito si Wesley at akmang hahalikan ang babae nang makitang nakasimangot si Nadya.
"Baka gusto niyong pumasok sa kwarto?" inis na sabi ng dalagita.
Tinawanan lang ito ng dalawa.
"Ang kj mo, bata," tudyo ni Wesley. "Bagay kayo ni Marco."
"Ew," lalo itong nainis."Gurang na iyon e."
"Virgin pa iyon."
"Wesley!" saway ni Yssa. "Ang mabuti pa umuwi na kami.Kung anu-ano itinuturo mo kay Nadya."
"Joke lang, mahal," malambing na niyakap ni Wesley si Yssa pero agad itong hinila palayo ng kapatid.
"Uwi na tayo, ate. Susumbong na kita kay mama," sabi ng kapatid.
"Hindi niyo na hihintayin 'yung pagkain?"
"Hindi na," tanggi ni Yssa. "Nag promise kasi ako kay Nadya na manonood kami ng screening ng bagong movie ni John Loyd."
Napailing na lang si Wesley, "Sige na. Susunduin na lang kita bukas sa hospital. Anong oras ba uwi mo?"
"Ten pm." Nurse sa isang public hospital si Yssa.
"Okay. May slumber party bukas ang kambal kila Eros kaya makakapag-date tayo."
Muling hinalikan ni Wesley ang kasintahan bago tinawag ang kambal para magpaalam kay Yssa at Nadya. Malapit rin ang mga anak niya sa kasintahan at sa kapatid nito dahil madalas na ang mga ito ang nag-aalaga sa mga bata. Inabutan niya pa ng pera ang babae para may pang-merienda ang magkapatid.
"No, Wesley, huwag na. Ibigay mo na lang 'yan kay Thea at Thyke," tanggi ng babae pero hindi niya iyon pinansin.
"Sige na, para hindi kayo magutom ni Nadya. I love you."
Wala nang nagawa si Yssa kung hindi tanggapin iyon. Nahigit ni Wesley ang paghinga. Gusto niyang kahit sa munting bagay ay makaganti siya sa kabutihan ng nobya. Kulang pa nga iyon kung tutuusin sa laki ng utang na loob niya rito.
Maya-maya ay dumating na ang inorder niyang pagkain. Masaya silang nagsalu-salong tatlo at aliw na aliw si Wesley sa kwento ng mga anak. Inihatid niya pa ang mga ito sa kwarto at binasahan ng kwento. Sinusulit niya ang mga pagkakataong nakakasama niya ang mga anak dahil madalas ay pinapadala siya sa mga misyon. Naroon naman si Yssa para magbantay habang wala siya na ipinagpapasalamat niya. Nahihiya rin naman siyang laging dalhin ang kambal sa mga kaibigan. Hindi niya naman kayang ipagkatiwala ito kung kani-kanino.
Naglilinis ng bahay si Wesley nang makita isang magazine sa sofa. Naiwan siguro iyon ng kasintahan. Natigilan siya nang makita kung anong klaseng babasahin iyon. It was a bridal magazine kung saan ang cover ay isang magandang babaeng nakasuot ng gown. Nahigit ni Wesley ang paghinga. Sa tagal ng pagiging magkasintahan nila ay hindi nila napagusapan ang kasal. Hindi rin nagpaparamdam si Yssa dahil alam nito ang obligasyon niya sa mga anak. Pero bilang babae, alam niyang naghihintay rin si Yssa na maiharap niya sa altar. Ano pa nga bang hinihintay niya? Pagkatapos ng ilang taon ay tuluyan na rin siyang natanggap ng mga magulang nito. Malapit ang mga bata kay Yssa at ito na ang itinuturing na ina. Wala namang problema kung magpakasal na sila dahil may maayos na siyang trabaho.Napabuntong-hininga ang lalaki at ipinagpatuloy na ang paglilinis. Hindi pa siguro ngayon. Isa pa, ayaw niyang madamay si Yssa sa mga problema niya. Tatapusin niya muna siguro ang mga misyon bago lumagay sa tahimik.
Natutulog na si Wesley nang makatanggap ng tawag mula kay Zach. Kahit inaantok ay pilit siyang bumangon.Baka kasi emergency iyon. Isa si Zach sa mga kababata niya na kasama niya ring napadpad sa Maynila. He's now working with Mr. Altamirano's son-in-law bilang senior bodyguard nito.
"Nasa labas kami," iyon lang at pinatay na ng lalaki ang cellphone.
Nagtatakang lumabas ng bahay si Wesley nang makitang kumpleto ang grupo.
"Anong problema?"tanong agad ni Wesley.
"Malaki," napapailing na sagot ni Ulysses pero wala namang nababakas na pag-aalala sa mukha nito.
Doon lang napansin ni Wesley ang isang kasama ng mga ito na nakasuot ng hoodie at kahit nakaitim ay halatang babae. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Wesley nang magtanggal ito ng hood at makita kung sino iyon.
"Phoenix?"
Pokerface lang na nakatingin ang babae sa kanya at napailing na tila ba sinasabing wala siyang pinagbago.
"Ikaw ba 'yan?" natatawang tanong ni Wesley pero deep inside ay muling bumangon ang galit sa puso niya. Seeing his old childhood playmate reminded him of his past.
"Putek, muka ka pa ring lalaki," hindi napigilang matawa ni Wesley na sinabayan ng mga kasama.
Tumigil ang tawanan nang sipain ni Phoenix si Wesley.
"Aray! Huwag dyan. Gusto ko pang magkaanak," reklamo ni Wesley na napaigik sa sakit.
"Hindi ka na dapat nagkakalat ng lahi."
"Ano bang ginagawa mo dito sa Maynila?" napailing na tanong ni Wesley pagkatapos. "Maghahasik ka lang ng lagim kami pa napili mong pagdiskitahan."
"Wala akong kailangan sa inyo. Kayo ang may kailangan sa'kin."
"Hanggang ngayon ba may gusto ka pa rin kay Ulysses?" tudyo ni Zach. "Ang tindi rin ng pag-ibig mo ha."
"Kapag tinugis kayo ni Congressman, ikaw ang una kong ituturo, Zach," banta ni Phoenix.
Napawi ang ngiti ng mga ito. Marco took out his gun at itinutok sa babae.
"Pinadala ka ba niya? Sabihin mo ang totoo," galit na tanong ni Marco. Agad itong inawat ni Wesley.
"Anong ginagawa mo dito, Phoenix?" seryosong tanong ni Wesley. Phoenix may be tough pero alam niyang mabait ito. She was Rosalie's only friend dahil pareho ng ugali ang dalawa kahit pa mas kilos lalaki si Phoenix at sa mga lalaki laging sumasama.
"Alam ko ang plano nila. Tauhan ako ni congressman. Naniwala ako sa kanya noon at aaminin ko na nagtanim ako ng galit sa mga Villareal. Hindi ako sumama sa inyo nang maghiganti kayo dahil may iba akong plano. May mga kakampi pa kayo. Nag-iisa na lang ako. Naiwan ako sa lugar na iyon nang mag-isa pero pinilit kong lumaban dahil gusto kong makamit ang katarungan.Kayo, anong nangyari? Kumampi kayo sa mga Villareal.Sa nakikita ko sa inyo, nakalimutan niyo na ang nakaraan. Pero kahit anong galit ang nararamdaman ko, hindi iyon rason para itakwil ang mga dati kong kaibigan."
"Paano ka namin pagkakatiwalaan ngayon?" naghihinalang tanong ni Ulysses.
"Wala kayong pagpipilian. Isa pa, umalis na rin ako kay congressman. Wanted ako sa Davao kaya ako pumunta dito. Sa batas lang naman ni Congressman. Siguradong hinahanap niya na ako. Alam ko ang sikreto niya at mga plano. May alok akong deal, tutulungan niyo akong mag settle dito kapalit ng impormasyong kailangan niyo."
Nagkatinginan ang apat na lalaki.
"Mas mabuti pang bumalik ka na lang sa Davao," malamig na sabi ni Marco.
"Tutulungan kita."
Napatingin ang lahat kay Wesley at bumakas ang pagtutol.
"Kaibigan siya ni Rosalie. Hindi ko siya pwedeng pabayaan," katwiran ni Wesley.
Hindi nakakibo ang tatlo. Alam nilang kapatid ang turing ni Wesley kay Rosalie kaya hindi na sila nakatutol.
Napatingin si Wesley sa isang bag malapit sa poste. Mukha namang totoong nag-alsa balutan na ang babae at hindi na babalik sa Davao.
"Tutulungan kitang makapagbagong-buhay pero isang beses lang na traydurin mo ako, kakalimutan ko ang lesbian affair niyo ni Rosalie," biro ni Wesley at kinuha ang bag ng babae.
"Salamat, Wes," kahit halatang naiinis ay tumango lang ang babae. "Kakalimutan ko munang may sira ka sa pag-iisip dahil desperada ako ngayon."
Nagulat si Ulysses nang ibigay sa kanya ni Wesley ang malaking bag, "For now, kay Ulysses ka muna titira."
"Ano?" malakas na tutol ng binata. "Hoy, Wesley, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo ha. Hindi ko kailangan ng ampon sa bahay ko."
"Hindi rin siya pwede sa'kin. Ayokong magselos si Yssa," sabi ni Wesley at tumingin kay Marco pero tumalikod lang ito at naglakad na palayo.
Inis na binawi ni Phoenix ang bag mula kay Wesley, "Salamat na lang. May pera pa akong pang-upa ng bahay."
Isinukbit ng babae ang bag at akmang aalis nang pigilan ito ni Zach.
"Sige na, sa'min ka na lang."
Napangiti si Wesley. Siguradong masesermunan ni Marco ang lalaki. Magkasama kasi sa bahay ang dalawa. Samantalang si Ulysses ay may apartment malapit sa bahay ng kapatid ni Mr. Altamirano. Sa kapatid kasi ng amo ni Wesley nagtratrabaho ang lalaki.
"Huwag kang mag-alala. Mababait ang mga iyan. Malapit lang ang bahay nila dito. Tawagan mo ako kapag pinagtangkaan ka," biro ni Wesley.
Zach rolled his eyes na lalong ikinatawa ni Wesley pero nanatiling seryoso si Phoenix.
"Ngayong gabi ka lang naman makikitulog sa kanila. Ayoko lang na makita ka ng mga anak ko at baka kung anong isipin. Bukas kakausapin ko 'yung landlord ng dating inuupahang apartment ni Rosalie. Pahihiramin na rin kita ng mga gamit."
Halatang nagulat si Phoenix sa nalaman pero hindi na nagtanong pa. Seryoso lang itong tumango "Salamat."
Nagpaalam na rin si Zach at Ulysses at umalis kasama ang babae. Napailing na lang si Wesley nang makitang nagbabangayan ang tatlo. Nang mapag-isa ay tsaka lang napaisip si Wesley. Ano kayang impormasyon ang tinutukoy ni Phoenix?