Huminto sila sa isang kainan.Nagulat si Rebeca dahil hindi iyon katulad ng inaasahan niya.Parang turo turo iyon.Maraming tao ngunit mukhang maayos naman. Sanay na si Rebeca sa ganoong kainan dahil hindi narin siya miminsang nakakakain sa ganoong lugar. Kapag gusto niyang mapag isa ay dumadayo siya sa mga kainang tulad nito.May mahahabang lamesa. May malalaking kaldero at pawang masasarap naman ang mga pagkain.Nakaka engganyong kumain lalo.Ngayon ay hinayaan siya ni Devon na makapaglakad at alalay naman siya ng asawa talaga.Tinulungan siyang makaupo sa gitnang lamesa kung saan bakante.At tinanong ang gusto niyang kainin. "Ginataang kuhol,halabos na hipon at sinigang na tanigue at dalawang order na kanin." Napatingin muna sa kanya si Devon na tipong na sorpresa at tatawa-tawang umiling- il

