Wedding day.... Narito na naman si Rebeca sa pintuan ng simbahan at naglalakad papasok.This time alam nyang hindi na sya makakatakbo dahil naghihintay sa kanyang nakatanaw ang kanyang anak hawak ang sing sing at nakangirit sa kanya.Tuwang tuwa ito at cute na cute suot na puting maliit na amerikana,magkaparehas ng suot ang kanyang mag ama.Tila naulit ang kahapon at ngayon.Parang dejavu!Ang kaibahan nga lang ay may anak na siya ngayon. Ang kanyang groom, gwapong gwapo sa suot na kulay puti ring amerikana at may bowtie na gray sa leeg ang pants ay gray din.Seryoso ang mukha nitong nakatung hay sa kanya nagbababala ang mga tingin.Kung iniisip nito na mag iisip siyang tumakas muli,hindi pa siya nasisiraan ng ulo.Gagawin niya ba iyon kung maiiwan ang kanyang anak rito?!Pati na ang kan-y

