Chapter 25: Begging BYTHESEA’s POV “NANDITO na ang lunch mo, Daphne,” tawag ko sa anak ko. Inisa-isa kong ibinaba ang pagkain na gusto niyang iluto ko para sa kanya. Nagsalin pa ako ng tubig sa maliit na basong gamit niya. “Dahpne?” Kumunot ang noo ko nang makita ko na si Gotchelle na lamang ang nakaupong mag-isa. “Chelle, nasaan na pala ang batang katabi mo riyan kanina?” tanong ko sa kaibigan ko. Iniwan ko sa tabi niya si Daphne. Nagpaluto nga siya ng favorite foods niya pero nawala lang ako ng ilang minuto ay wala na siya. Saan naman kaya siya nagpunta? “Ay si Daphne pala. Ang akala ko ay sumunod siya sa ‘yo kanina, Bythesea. Kasi noong umalis ka ay siya namang pag-alis niya. Hindi ko lang napansin kung lumabas na naman ba siya,” paliwanag niya at napahilot na lamang ako sa sentido

