Chapter 23: Lala ISANG linggo pa ang nakalipas at bigo pa rin kami sa paghahanap sa kanila. Pero hindi na ako katulad pa noong isang araw na nagising ako mula sa pagkakatulog ko ng isang linggo. Ginagawa pa rin namin ang lahat para mahanap ang mag-iina ko at ngayon ay naranasan ko na nga. Naranasan ko na ang maghanap sa mga mahal ko sa buhay at masasabi kong sobrang hirap. Sobrang hirap pala talaga. Iyong tipong mababaliw ka sa kahahanap sa kanila at wala ka pang alam kung nasa maayos na kalagayan ba sila o kung ano na ang nangyari sa kanila. Ganito pala iyon. Ganito pala ang nararamdaman ng asawa ko habang ako naman ang nawawala at hinahanap niya. Ito pala talaga iyon. “Sabi ko na mangyayari ito sa ‘yo, Lucas. Kung nakinig ka sana sa akin,” pangangaral sa akin ni Ate Civana. Ako ang

