ZEYM Hindi ako dumiretso ng uwi sa mga Shein. Sa bahay ko mismo ako umuwi. “Are we gonna stay here for awhile mama?” “Yes anak,” Tumingin ako sa likuran at nakita ang dalawang sasakyan na nakasunod sa akin. Lando at Henry. “Mauna ka na sa loob Kua, mama will talk to your titos,” sabi ko. Tumango siya at nauna nga sa loob na pumasok. “Why is he here?” tanong ko kay Lando at nginuso si Henry. “Best friend!” Agad niya akong niyakap pero nilayo ako ni Lando sa kaniya. “Ito naman,” reklamo niya kay Lando at inayos pa niya ang necktie niya na nagulo. “Bakit nandito ka Henry?” tanong ko. Nginisihan niya ako. “Sinasabi ko na nga ba na hindi nawala ang ala-ala mo e,” Inirapan ko siya. “Ahh-I’m here kasi nakita ko ang sasakyan ni best friend number 1 na papunta dito,” aniya sabay tingin k

