ELIZABETH “Ate Zeym, kamusta na ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Moni habang kaharap si Zeym. Hinawakan ni Rachelle ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nag-aalala ang mukha niya. “Okay lang ako.” Ngumiti si Zeym. Tumingin siya sa gawi ko. “Sino ka nga ulit?” tanong niya sa akin. “Sorry, hindi ko kasi kayo matandaan lahat.” “Ate, she’s ate Elizabeth. Kuya Sico’s- Inunahan ko si Harmonia. “I’m Sico’s friend. Pinsan ako ni Rachelle,” Napatingin silang lahat sa akin. Mabuti nalang wala dito si Sico. “Ate,” bulong ni Rachelle sa akin. Maguguluhan lang si Zeym lalo’t ang alam niya ay asawa niya si Sico dahil iyon ang sinabi sa kaniya ng mga tao. “Ahh—nice meeting you Eli.” Ngumiti ako kahit na napi-piraso na ang puso ko sa sakit. Ang mga magulang ni Sico ay nakating

