ELIZABETH “Sasama ka ba ate? Naroon ang mga magulang nina Sico sa bahay ni Zeym,” “Hindi na siguro Rachelle. Paki bantayan nalang si Kua please,” “Ano ka ba naman ate. Oo naman, hindi ko pababayaan ang pamangkin ko. Don’t worry,” Ngumiti ako. Ngayon ang araw ng operation ni Zeym at nasa kaniya si Kua sa magkakasunod na araw . Kinakabahan ako sa kaniya pero alam ko namang makakaya niya iyon. Naramdaman ko ang paghawak ni Rachelle sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. “Mauna na kami,” aniya. Tumango ako at tumingin kay Rico na hinihintay si Rachelle. Nang makaalis na sila, isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Miss ko na si Kua at gusto ko na siyang makita pero naiintindihan ko kung bakit doon muna siya sa mommy niya. Balita ko nga rin e sobrang mahal siya ng mg

