ELIZABETH Tulala ako habang pauwi. Zeym gave me the address of Sico’s house, iyon ang bahay na nilipatan namin dati matapos masunog ang bahay namin na bigay ni Rachelle. Pag-uwi ko ng bahay, naabutan ko pa si Henry na nakatingin sa akin. “Bad day?” tanong niya. Napabuntong hininga ako at pagod na pumasok. “Bad day nga,” ang bulong niya sa akin. “I cooked something for you,” “What is it?” tanong ko at nakita ang marinated roasted chicken na niluto niya sa mesa. Pinagskingkitan ko siya ng mata. “You’re into cooking lately. Why?” “I want to impress you,” walang preno niyang sagot. Nawala ang ngiti sa labi ko at nakaramdam ako ng bahagyang pagkailang dahil doon. “Hindi mo yata kasama si Kua,” ang sabi niya na tila ba iniiba ang usapan. “Mamaya pa siya ihahatid ni Rachelle dito,” “

