ELIZABETH Hindi ko aakalain na magkikita kami ni Sico dito. Kung alam ko lang na nandito siya, si Kua nalang sana ang pinapunta ko dito kasama ni Rachelle. Naging awkward tuloy para kay Zeym ang presensya ko dito dahil narito si Sico. Nakatanaw kami sa kanilang tatlo na papasok na ng sasakyan para bumili ng cake. Ang ganda nila pagmasdan. Para talaga silang iisang pamilya. Nakakaramdam ako ng hiya at inggit dahil ganoong buhay ang pangarap ko para sa anak ko pero kasi nakakahiya ako dahil doon ko pa pinangarap sa taong pagmamay-ari na ng iba. Kahapon, kitang kita ko ang sakit na naramdaman ni Zeym. Nakonsensya ako at naisip na, Anong pinagkaiba ko sa ama ko? Nahihiya na nga ako na anak niya ako dahil hindi ko siya kayang maipagmalaki, mas nahihiya ako ngayon na mapagtantong anak nga

