Binalikan ko si Morious at Rachelle sa loob matapos kong kausapin si Sico. Napabuntong hininga nalang ako nang makita ang dalawa na naglilinis. “Morious, sorry talaga,” nahihiya kong sabi. “Baliw kasi si Sico minsan,” dugtong ni Rachelle “Bakit niya ba ako pinagsi-selosan?” takang tanong ni Morious at tumingin naman ako kay Rachelle. “Dahil sa asawa niya,” pagkasabi ko no’n, tumawa siya. See? Pareho na sila minsan ni Rico nang ugali. Napailing nalang si Morious sa amin. Ano na kaya ang iniisip niya? Matapos naming maglinis ay nagpadeliver ako ng pagkain but kasama namin si Rachelle para ng sa ganoon hindi magselos si Sico oras umabot sa kaniya ang balita na nagdinner kami ni Morious na magkasama. Libre ko, nakakahiya naman kay Morious. Pag-uwi namin ni Rachelle, naligo agad ako bago

