“Eli, anong gagawin ko? Gusto kong mayakap ang anak ko… Gusto kong makasama ang anak ko.” Pinunansan ni Elizabeth ang luha sa pisngi niya. “May sakit ako. May brain tumor ako, may taning na ang buhay ko.” Ang sabi ko. “Elizabeth, tulungan mo naman ako na mapalapit sa anak ko,” nagsusumamong sabi ko. “Hindi ako ang mama na kinikilala niya… Paano ko makakasama ang anak ko?” Wala na akong pakialam kung magmukhag desperada ako sa harapan nila ngayon. Pagod na ako maging Zeym na matapang. Tumango si Eli. “Sige Zeym. Ipapakilala ko sa ‘yo si Kua,” ang sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti. Wala akong ibang hiling kun’di ang makasama ko ang anak kobago ako magpa-surgery. Napaupo ako sa sahig at umiyak sa labis na tuwa na finally, makakasama ko na si Rit. Umalis si Elizabeth, hi

