ZEYM Umiyak ako nang umiyak no’n pagdating ko sa bahay. Pakiramdam ko ay kinukulong ako ni Sico sa bagay na hindi ko gusto. Ayaw ko sa kaniya. Pwede naman kaming magkaibigan lang ah pero bakit ipipilit niya sa akin na magustuhan siya? Lumipas na naman ang mga taon. Nanatili pa rin si Sico sa tabi ko. Persistent pa rin siya sa pambi-bwisit sa buhay ko. Sico: Babe, kain tayo mamaya Napapikit ako nang mabasa ang texr message niya. Nasa isang art class ako. Nagpi-paint dahil wala naman akong pagkaka-abalahan kaya nag enroll ako dito. Zeym: I’m busy Sico: You’re always busy. Feeling ko tuloy ay iniiwasan mo ‘ko Sana nga magtagumpay ako sa pag-iwas ko sa ‘yo pero hindi naman nangyayari iyon dahil kahit isang oras, hindi mo ako nilulubayan. Hindi na ako nagreply pa sa kaniya. Pagkatap

