“Thank you, Keister. At siyempre payag ako. Ayaw ko namang mag-inarte kasi baka biglang magbago pa ang isip mo,” sabi ko. Natawa naman siya at niyakap ako. “Kahit pumayag ka na, hindi ibig sabihin noon na hindi pa rin kita liligawan. Kaya be ready, Vera. Dahil ang misyon ko ngayon ay paiibigin ka nang totoo sa akin. Iyong totoong ako at hindi iyong Keister na pinapanood at hinahangaan mo lang sa online platform,” mariing pahayag niya. Humigpit din ang pagkakayakap ko sa kaniya habang unti-unting sumilay ang kinikilig kong ngiti. “Pareho ko lang gusto ang Keister na nasa online at ang nasa offline. Nag-iisa ka lang Keister kaya ikaw lang din iyon para sa akin,” tugon ko. Kanina lang ay umiiyak ako pero ngayon ay hindi ko na mapigilan ang matinding ngiti ko kasi talagang kinikilig ako.

