Iminulat ko ang mga mata ko at mukha ni mommy ang nakita ko. Bahagya akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Tama! Nasa kwarto ako ngayun at nakahiga sa kama habang suot ang gown para sa engagement party namin ni Theo.
Engagement Party! Tuluyan akong napabangon ng maalala ko ang nagyari kanina. Ang pakikipagtanan ni Theo sa iba. Unti-unting tumulo ang luha saking mga mata.
“Nicole, iha.” Tawag sa akin ni mommy.
“Mommy, sabihin niyong hindi totoo ang naalala ko. Sabihin niyong nandito ngayun si Theo para sa engagement namin. Please mommy!!!” iyak ko sa kanya.
“Nicole, don’t cry.” She said to me.
“Pero mommy, si Theo.”
“Don’t worry about Theo. Hindi na siya ang pakakasalan mo.” Nagulat ako sa sinabi niya.
“Hindi si Theo? Kung hindi si Theo, sino?” tanong ko sa kanya ng biglang may naalala akong pangalan. “Don’t tell me…”
“Si Mikael iha, ‘yung pinsan ni Theo. Tiyak na magkakasundo rin kayo tulad ni Theo. Total mga bata palang kayong tatlo ay magkakaibigan na kayo. ” magiliw na sabi sa akin ni mommy.
Oo, kababata ko sina Theo at Mikael. Pero si Theo, he is my knight in shining armor sa tuwing lagi akong inaasar ni Mikael. Si Theo ang tagapagtanggol ko sa asungot na si Mikael. Mikael always teasing me because of my curly hair. He always called me goldilocks dahil parang buhok daw ni goldilocks ang buhok ko. Pero para kay Theo, my hair is perfect.kaya kahit lagi akong inaasar ni Mikael sa buhok ko, hindi ko tinangka na magpastraight ng buhok.
“Ayoko sa kanya, mommy. You know na si Theo ang gusto ko at hindi si Mikael. Ma, do something…” pakiusap ko sa kanya.
“Pero iha, na-iaanounce na ng daddy mo ang engagement niyo ni Mikael while you were sleeping. At nakakahiya naman kung babawiin pa iyon ng daddy mo.”
“Pero, ma!” tutol kong sabi.
“Magugustuhan mo rin si Mikael. Mikael is acharming man, he’s good-looking and a very nice man. Bagay kayo, anak.”
“Ma, sa sobrang bait niya, lahat ng babae sa campus, naging girlfriend na niya. Ano na lang ang sasabihin ng mga friends ko, na tagasalo ako ng tira nila, no way!”
“Anak, huwag kang magsalita ng ganyan kay Mikael. Lalo na and he will be your future husband.”
“pero, ma!” tawag ko sa kanya ng biglang siyang tumayo at lumapit sa pinto. “Mabuti pa, at magpahinga kana. Bukas, everything will be alright. Okay.” She said before she close the door.
“Oh God! Ano ba itong nangyayari sa akin, hindi ito ang pinangarap kong mangyayari ngayung gabi.
Biglang may kumatok at bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang katangi-tanging taong ayaw kong makita sa buong buhay ko.
“Kumusta!” bati ni Mikael sa akin.
“Eto, buhay pa.” sarkastiko kong sagot.
“Mabuti naman at buhay ka pa. Akala ko, magiging byudo agad ako eh hindi pa tayo naikakasal.” Nang-iinis niyang sagot sa akin.
“Hahahaha, nakakatawa.” Inis kong sabi.
Lumapit sa siya akin at umupo sa upuan malapit sa akin kung saan nakaupo si mommy kanina.
“ Pasensya ka na pala sa ginawa ni Theo. Ako na ang humihingi ng tawad sa di niya pagsipot.” Seryosong sabi niya sa akin.
Bigla ko tuloy naalala si Theo. “Nasaan siya?”
“Hindi ko alam.” Tipid na sagot nito.
“Imposibleng hindi mo alam. Kung may tao man na nakakaalam kung nasaan siya, ikaw iyon.”
“Kung alam ko man, di ko sasabihin, lalo na sayo.” Nakangiting sagot niya.
“N-nakipagtanan ba talaga siya.” malungkot kong tanong sa kanya.
“Oo.”
“Kanino?”
“Alam kong alam mo kung kanino, alam nating dalawa kung sino talaga ang mahal niya.” biglang seryoso niyang sagot.
“Si Althea.” Tumango siya sa akin bilang sagot.
“Si Althea, ang anak ng kalaban ng angkan ng mga Ferrez. Ang pamilya nina Theo. Bata pa lang kami, alam kung may lihim ng pagtingin si Theo sa babaeng iyon. Alam ko ang mga lihim niyang pagsulyap sa babaeng iyon kapag nakikita namin siya. at nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nakatingin sa babaeng iyon.
“Sino bang tinitingnan mo at kanina ka pa lingon ng lingon diyan.” Naiinis kong tanong kay Theo. Nasa isang restaurant kami sa Cavite. Kanina pa ako salita ng salita ng mapansin kong hindi naman siya nakikinig kundi parang may hinahanap lang.
Napatingin ako ng gumawi ng paningin niya sa entrance ng restaurant at makita si Althea na pumasok. Althea is a beautiful woman. Straight na straight ang kanyang itim na itim na buhok na hanggang beywang. Hugis puso ang kanyang mukha. Katamtaman ang tangos ng ilong ang nipis ng labi. Bilugan ang kanyang mga mata na may mahahabang pilik mata. Alam kung maganda siya at naiinis akong isipin ‘yun.
“She’s an enemy, you know.” Paalala ko sa kanya.
“And she’s pretty.” Bigla kong naririg ang boses ni Mikael. Nakarating na pala siya ng di ko namamalayan. Umupo siya sa tabi ng upuan kung saan ako nakaupo.
“Mabuti naman at nandito kana. Sino na naman bang babae ang naging dahilan ng pagkalate mo?” naiinis kong tanong sa kanya.
“Pasensya na, Goldilocks. Ayaw kasi akong pakawalan ng babaeng kasama ko kagabi. Alam mo na.”
“Yuck! Kadiri ka talaga.“ maarte kong sagot.
Hinawakan niya ako sa pisngi at nandidiri kong inilayo ang mukha ko. Mamaya, kung saan niya pa ginamit ang mga daliring iyon, tapos ihahawak niya sa mukha ko.
“Huwag ka nang magselos, Goldi. Sayo pa rin naman ako umuuwi.” Nakangiti niyang sabi sabay gigil sa pisngi ko.
“Aurggghhhh… ano ba?!’ inis na inis na talaga ako sa lalaking ito. Tumawa lang siya sa inis ko.
Tumingin ako kay Theo at nandun pa rin siya at nakatingin sa babaeng iyon. Sa sobrang inis ko kay Theo at Mikael, sunod-sunod na subo ang ginawa ko sa pagkain.
“Hoy! Tama na iyan, para ka namang hindi pinapakain.” Awat sa akin ni Mikael.
“Pwede ba, pabayaan mo’ko. Di kita pinakikialamanan sa paglalandi mo, kaya huwag mo rin akong pakialamanan sa pagkain ko.”
“Concern lang naman ako sa’yo Goldilocks. Baka tumaba ka na niyan.”
“Pwede ba, tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Goldilocks at Goldie. Naiinis na ako sayo ha!.”
“Ikaw naman, endearment ko kaya yun sayo.”
“Pwes, di ko kailangan ng endearment mo!”
“Tama na ‘yan.” Awat sa amin ni Theo. “Dito pa kayo dalawa nagtalo.”
“Mabuti naman at inalis mo na rin ang tingin mo sa babaeng iyon.” Inis kong sabi sa kanya.
Nakakinis! Nandito na ako sa harapan niya pero iba pa rin ang tinitingnan niya. Maganda rin naman ako ha? Mayaman din ako tulad ng babaeng iyon. Tagpagmana rin ako ng negosyo ng daddy ko, bakit ba di niya ako mapansin? Bakit???.