Maayos naman ang pananatili namin sa probinsiya sa loob ng isang linggo. Hindi na ako sumasama kay Froilan sa planta dahil 'yun ang gusto ng magulang ko. Nanatili lang ako sa bahay at binabantayan lang ako ni Jerremiah at Freddie rito. It's kinda boring to stay here, dahil hindi ko nakakasama si Froilan. Kapag may pagkakataon, umuuwi naman ito tuwing tanghali para sabay kaming kakain. Minsan, hindi na ito umuuwi kapag busy masiyado sa planta. Kahit na ganoon, hindi pa rin ako kuntento. Parang gusto ko siyang makita palagi, gustong mahawakan. Siguro dala ito ng pagbubuntis ko kaya ganito ako ka-clingy which is new to me. Since he is working in our land. He also brought what I want, kagaya ng prutas at karne na gusto kong kainin. May cellphone naman kaming dalawa kaya kapag may gusto ako

