Nakatingin lang ako sa baraha na nilapag sa harapan ko. Tatlong baraha 'yun. Ang klase ng laro namin, kung sino ang may pinakamaliit na baraha. Ay siyang panalo sa sugalan. I felt a little bit nervous. Tumingin muna ako kay Froilan bago ko kinuha ang tatlong baraha. Tahimik lang ang katabi ko. Humilig siya sa inuupuan ko, nang kaunti. Pinagpahinga ang isang braso sa sandalan ng aking upuan. Sina Freddie naman nanatili lang sa likod namin. Nagmamasid pa rin sa nangyari. "Mauna kang lumapag ng baraha mo, para exciting ang laro," sabi ni Evan sa akin. Masama ang tingin ko sa kanya. Naiinis ako sa tuwing ngumingisi ito ng nakakaloko. Hindi ko na lang pinansin si Evan. Binuklat ko muna ang tatlong baraha bago ko nilagay sa lamesa. "15..." sabi ko. Ngumisi nang malawak ang lalaki. Sab

