"Bossing nandito na kami!" anunsiyo ni Jerremiah nang makapasok sila ng bahay. Sakto namang tapos na ako sa paghahanda ng agahan kaya agad ko na silang niyaya na kumain kasama namin ni Froilan. "Nagbibihis pa si Froilan sa itaas. Hintayin niyo lang rito," sabi ko pa saka kinuhanan sila ng plato. Nag-uunahan naman ang dalawa sa paglapit sa hapag. "Wew! Makakatikim na kami sa kauna-unahang pagkataon ng luto niyo Ma'am Rena!" hiyaw ni Freddie saka sumandok na ng kanin sa isang serving rice. Umupo na rin si Jerremiah para kumain na rin. "Ayos! Sakto gutom na ako. Ang bango ng niluto niyo, Ma'am, ah?" "Naku! Simpleng breakfast lang naman 'yan. Kumain na kayo, pupuntahan ko lang si Froilan sa itaas." Nagluto lang ako ng omelet egg saka hotdog at tucino. Ito 'yung pinadala ni Mommy sa ami

