Sunod-sunod ang training na ginawa namin ni Froilan. Tinuruan niya ako kung paano gumamit ng baril, paano ang tamang pag-iwas kung may susugod na kalaban. Tinuruan niya rin ako ng self defense. Hindi lang 'yan, maski sa mabilis na galaw kung may paparating na mangyayari. He teaches me everything. Paminsan-minsan nanalo na rin ako sa training. Palagi ko ng napatumba ang mga tauhan nito. Natatalo ko rin sila sa kahit ano'ng physical na training. Si Jerremiah at Freddie ang palagi niyang right hand sa pagtuturo sa akin. Kapag wala ang dalawa, si Froilan lang ang nagtuturo sa akin. It took me almost 3 months before I learned. "That's good, Rena. You did a good job," sabi ni Froilan nang sumakto sa gitna ang tama ng baril. Binalingan ko siya ng nakangiti saka ako nagtatakbo palapit roon

