"Bossing kanina ka pa tulala? Nakikinig ka ba sa sinasabi namin ni Jerremiah?" Kinurap ko ang mata saka tinitigan si Freddie at Jerremiah na may sinasabi sa harapan ko. Walang gana ko silang pinagmasdan. "I'm not listening. What is it again?" tikhim ko saka umayos sa pagka-upo. Nagsalin ako ng nakakalasing na inumin sa baso saka diretsong tinungga. Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko na nasundan bawat sinasabi ng dalawa. Napa-iling na lang ng ulo si Freddie habang tinitigan ako ng mariin. Kumunot ang noo ko. Alam ko na ang sasabihin niya pero binalewala ko na lang. I only give him a glared. "Pambihira boss, kanina pa kami nagsasalita rito wala ka man lang bang narinig maski konti?!" reklamo ni Jerremiah sabay kamot ng kanyang ulo. Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo saka nil

