Tama nga si Lolo Rufino. Hindi makakauwi si Froilan sa bahay. He texted me that he will be late. Hindi niya rin sinabi sa akin kung saan siya papunta. Ang tanging rason niya ay dahil marami siyang trabaho sa opisina. He lied to me. Napapansin ko na ayaw na talagang ipaalam sa akin ni Froilan na may laban siya. Alam niya kasing mag-alala lang ako at magpupumilit na sumama. Hindi ko rin siya masisi lalo na't nadala na siya sa nangyari sa crew ship na muntik ng may nangyari sa aking masama dahil sinundan ko pa siya noong araw na iyon imbes na sasakay na ako ng jetskie pauwi. Kaya naman, para matulungan ko ang asawa ko. Buo na ang desisyon ko na sundin ang utos ni Mr.Rufino. Nagsuot lang ako ng isang surgical mask na kulay itim, isang leather jacket na may black silky shirt sa ilalim, is

