Masakit lahat ng katawan ko. Halos lahat yata ng katawan ko ay masakit na masyado. Hindi ako makagalaw ng maayos at lalo na hindi ako makalakad ng maayos. Masikip masyado ang dibdib ko at hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.
He did It thrice.
Hindi ko akalain na kahit ang dami na ay hindi pa din siya natitinag. Napatingin nalang ako sa kamay ko na madaming pasa at sugat, medyo masakit ito kaya gusto kong lagyan ng ointment. Pagkatapos naming gawin iyon sa study room ay agad niya akong pinatapon sa kwarto balik kaya nasa kwarto ako ngayon.
Gabi na ay nagugutom na ako pero hindi ko iyon inisip kasi mas iniisip ko ang katawan ko ngayon na hindi na makalakad. Huminga ako ng malalim bago ako makarinig ng katok kaya napatingin agad ako doon.
Kinabahan ako sandali kasi baka si Maddox iyon pero mukha ni Manang Nena ang nakita ko kaya nakahinga ako ng malalim. May dala siyang tray ulit na may laman na pagkain, ngumiti siya sa akin at lumapit para malagay ang tray sa lamesa.
"Dinalhan kita ng pagkain, hija." saad niya.
Tumango-tango ako sa kanya kaya ngumiti siya ulit sa akin.
'Umalis si Maddox kaya wag kang matakot." sabi niya sabay upo sa gilid ko. Napakagat ako sa labi ng binanggit niya ang pangalan ni Maddox.
Hindi ako nagsalita at kinuha nalang ang pagkain niyang dala. Isang pancit at ginataang monggo iyon kaya pagtikim ko pa lang ay masarap na agad.
"Kilala kita Hija, at alam ko din kung bakit ka nandito." mahinang sabi ni Manang Nena.
Napahinto ako sa pagkain at tinitigan si Manang Nena na nagsalita. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya, kilala niya ako?
She smiled.
"Kamukhang-kamukha mo talaga ang nanay mo pero ang mga mata mo lang ang iba." sabi niya.
"N-Nakita niyo a-ang nanay ko?" nauutal kong tanong.
Tumango siya at ngumiti.
"Hindi kami masyadong magkakilala ng nanay mo, minsan ko lang siya makikita kapag dinadala siya ni sir Alejandro, ang daddy ni Maddox sa bahay nila kung saan ako nag-tra-trabaho noon."
Napalunok ako ulit at pinunasan ang mukha ko.
"Noon pa man ay nararamdaman ko na talagang hindi maayos ang relasyon ng mommy and daddy ni Maddox kaya nag-hanap ng ibang babae ang daddy niya, at yun ay ang nanay mo..." sabi niya.
Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya kaya kang ay gusto kong marinig pa din kung ano ang nangyari.
"Alam lahat ng pamilya ni Maddox na ayaw talaga ng daddy nito sa mommy niya kaya minsan ay naririnig ko si ma'am Marian na umiiyak tuwing gabi. Thirteen years old lang si Maddox noon at nang nalaman ng lahat ng pamilya nila na may ibang babae na si sir Alejandro kaya nag balak si ma'am Marian na magpakamatay,"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Sinabi din ito ni Maddox sa akin nong una niya akong kinausap.
"Galit na galit si Maddox noon sa Daddy niya at narinig ko din ang mga bangayan nila tuwing umuuwi si sir Alejandro kasama ang Mama mo. Nag-sisigawan sila minsan kaya ay mas lalong nagalit si Maddox sa daddy niya. Hindi nag tagal ay hindi na kinaya ng mommy ni Maddox na makita pa sila Alejandro at nanay mo na kasama kaya nagpakamatay ito."
Napalunok ako at sumikip ulit ang dibdib ko sa sinabi ni Manang Nena. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni nanay at lalo na hindi ko akalain na magagawa niyang manira ng ibang pamilya.
"Gumuho ang mundo ni Maddox kaya sinumpa niya ang daddy niya na hindi niya na ito muling ituturing na ama at lalo na ang nanay mo. Galit at hinanakit ang binuntong niya sa daddy niya at lalo na hindi niya ito pinapunta sa burol ng mommy niya. Galit na galit si Maddox kaya halos ay mag rebelde na ito. Lumipas ang ilang taon ay nalaman namin na namatay sa isang sakit si Sir Alejandro at yun ay heart cancer," patuloy na kwento ni Manang Nena.
"Ang huling hiling ni Sir Alejandro ay ang makita ang anak niya na si Maddox pero ni kahit anino nito ay hindi nagpakita sa ospital kaya hanggang sa namatay si Sir Alejandro ay hindi niya pa rin ito nakita. Alam kong galit pa din si Maddox sa daddy niya kaya hindi niya ito ginawa kahit na masakit masyado ang dibdib niya."
"Bata palang si Maddox ay ang mommy niya lang ang nakakasama niya kasi noon pa man ay ramdam niya talagang hindi sumasama ang daddy niya kaya malapit ang damdamin ni Maddox sa mommy niya. Kaya naiintindihan ko na kung bakit ganon ang ugali niya at lalo na kung paano siya magalit."
Tinitigan ko ngayon ang mukha ni Manang Nena na kanina ay ngumingiti pero napalitan ito ng lungkot. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa kwento niya, kaya pala ganito ang trato ni Maddox sa lahat kasi nawalan din siya ng mahal sa buhay.
"Hindi nag tagal ay namatay din ang nanay mo dahil sa isang sakit, nalaman kong may Leukemia ito at dahil sa mahina ang katawan niya at nag-dudusa din siya dahil sa pagkamatay ng daddy ni Maddox ay hindi na nagdalawang isip ang katawan niya na sumuko din." sabi niya sabay hinga ng malalim.
Ramdam ko ang sakit sa dibdib ko ngayon at lalo na sa mga nalaman ko. Hindi lang ba ako naisip ni nanay kahit na namatay siya? Kahit ba masaya siya ay naisip niya din ba ako kahit one time lang?
Feel ko hindi.
Pero umaasa pa din ako na sana ay inisip niya din ako. Huminga ulit ng malalim si Manang Nena at tumingin sa akin.
"Masaya si Maddox ng nalaman niyang namatay din ang nanay mo pero nag-iba ang ugali niya ng sinabi niya na sana ay pinahirapan niya muna ang ito mo bago namatay. Pero wala na siyang nagawa kasi patay na ang nanay mo kaya nag imbestiga siya at hindi nag tagal ay nalaman niyang may anak ito, at ikaw yon." she said.
Napalunok ako sa sinabi niya.
"Pagkatapos mamatay ng nanay mo ay agad siyang nag pa imbestiga para tignan kung may ibang pamilya ba ito o wala pero nong nalaman niyang may anak ito ay nabuhayan siya ng sama at doon na nag simula ang plano niya na kunin ka."
Kumabog ang puso ko sa sinabi niya.
Noon?
"14 years old ka ng nalaman niyang may isang anak ito kaya agad siyang nag-plano na patayin ka, mismong sa kamay niya. Noon ka pa kilala ni Maddox hija, at kilala ka na niya at alam niya din kung anong nangyari sa tatay mo ngayon."
Napakagat ako sa labi at napayuko.
"Pero hindi iyon natuloy kasi pinigilan siya ng pinsan niya, ang nalaman ko sa plano nila ay gagamitin nila si Scarlett, ang babaeng pinsan niya. Gagamitin nila si Scarlett upang sundan ka at kunin ang loob mo."
Nararamdaman kong namumuo ang luha ko sa mata, narinig ko ulit ang pangalan ni Scarlett. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pang muli at inaamin kong may hinanakit pa din ako sa kanya at gusto ko siyang kausapin para sabihin sa akin ang part niya.
Pero hindi niya ginawa. Wala siyang sinabi at hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako.
"Nag-plano sila na pag 18th birthday mo ay doon ka kukunin ni Maddox at dalhin dito sa Isla para mag-higanti si Maddox sa'yo gamit ang galit nito sa nanay mo." napapaos na boses ni Manang Nena.
Tumulo ang luha ko sa sinabi niya at napayuko nalang.
Kaya pala. Kaya pala na masyadong excited si Scarlett na mag 18th birthday ako kasi alam niyang kukunin na ako at masaya din siya na kasama ako kasi gusto niyang kunin ang loob ko para mapaniwala niya ako sa lahat ng kasinungalingan niyang sinasabi.
Ngayon ko na naiintindihan ang lahat kung bakit biglang sumulpot si Scarlett sa palengke na iyon at kung paano gusto niya talaga akong maka-ibigan dahil lang sa utos ni Maddox. Kaya pala minsan nakikita ko siyang nakatulala at kung bakit hindi siya masyadong nasa sarili niya kasi iniisip niya yung mga plano nila.
Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko at tanging napa-iyak nalang ako sa mga nalalaman ko. Masyadong masakit ang dibdib ko at hindi ko kayang tanggapin ang lahat na nangyayari sa buhay ko.
Tao din naman ako, nasasaktan din ako. Pero bakit ganito?
"Pasensya na hija, kung bakit ganyan ang tungo ni Maddox sa'yo. Gusto ko man siyang pigilan pero nauuna pa din ang galit niya sa nanay mo kaya sana ay mapatawad mo pa din siya." mahinang saad ni Manang Nena.
Pinunasan ko ang luha ko at yumuko lang.
"Mabait na tao si Maddox at alam ko iyon kasi nakita ko na," sabi niya.
Hindi ako nagsalita.
Kung ganon, gagawin ko nalang ang gusto ni Maddox. Siguro kung makita niyang durog na durog na talaga ako ay aayos na ang loob niya at kung ganon ay papatayin niya na ako. Hindi ko mapigilang umiyak ulit, hindi ko ine-expect na ito yung hahadlang sa masayang plano ko sa buhay.
Pero kung ganoon na nga, titiisin ko lahat ng sakit na mararamdaman ko.
Nagising ako dahil sa mainit na araw ang humaplos sa pisngi ko kaya agad akong bumangon at dahan-dahan na inayos ang sarili ko. Masyadong ma-ilaw sa loob ng kwarto dahil sa sikat ng araw kaya dahan-dahan ulit akong tumayo para hilain ang kurtina doon.
Nang nagawa ko ito ay agad akong dumiretso sa banyo para maligo at pagkatapos naman ay nagbihis. Sinuot ko ang damit na nasa cabinet at inayos ang sarili ko. Gusto ko sanang mag sweatshirt or jacket para matakpan ang pasa ko sa balikat hanggang kamay kaya nag-halungkat ulit ako ng susuotin ko.
Nabuhayan ako ng nakita ko ang isang sweatshirt na blue sa may ilalim ng cabinet kaya sinuot ko ito agad para takpan ang mga pasa ko. Nang natapos ako ay bumalik ako sa kama at umupo doon, hindi ko alam kung anong gagawin ko at wala din naman akong gagawin kaya tinitigan ko nalang ang ceiling ng kwarto.
Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan kaya agad akong napatingin doon. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Manang Nena kaya agad akong tumayo para lumapit sa kanya.
"Gusto kang makasabay ni Maddox sa hapag-kainan kaya pumunta ka na sa ibaba bago pa iyon mainip." mahina niyang sabi.
Tumango naman ako at agad na sumunod kay Manang na lumabas ng kwarto. Hindi pa din ako makatigil sa pag-tingin sa buong bahay ni Maddox at hindi ko maiwasang magandahan dito. Masyadong pang-mayaman ang bahay na ito at first time ko na makapunta sa isang mamahaling bahay.
Habang naglalakad kami ni Manang Nena ay hindi ko maiwasang mamangha sa paligid. Kahit na walang katulong at bodyguards ang nandito ay hindi pa din ito masyadong tahimik at dahil na din sa tunog ng mga tubig galing sa labas.
Nang nakarating kami sa kusina ay agad akong napatingin kay Maddox na ngayon ay kumakain ng mahinhin. Pormal masyado ang suot niya at hindi ko akalain na maganda pa din ang katawan niya kahit na simpleng t-shirt at shorts ang suot niya.
Nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya ay tinaasan niya ako ng kilay kaya napayuko ako ng konti.
"Salamat Manang, you can leave us alone." malamig na tono na sabi ni Maddox.
Nakita kong tinitigan niya ang suot ko kaya napa-iwas ako ng tingin. Ngumiti naman si Manang at tumango. Pina-upo niya ako sa gilid ni Maddox kaya kumabog ng marahan ang dibdib ko. Hindi ko maiwasang matakot sa kanya at lalo na iiwan ako ni Manang Nena kasama si Maddox.
Nag-patuloy lang sa pag-kain si Maddox at ako naman ay hindi alam kung anong gagawin. Maraming pagkain ang nasa harap ko ngayon pero wala akong balak na kumain kahit na nagugutom ako. Tinitigan ko lang si Maddox habang kumakain at hindi ko maiwasang mapatingin sa labi niya.
Ano ba tong nasa isip ko?
"Staring is rude." he said and looked at me.
Umiwas agad ako ng tingin sa kanya at kumuha agad ng pagkain sa harap. Uminit ang pisngi ko habang kumuha ng pagkain at lalo na nakita niyang nakatingin pala ako sa kanya. E, hindi ko naman sinasadya.
Kumain lang ako ng mahina at ngumunguya ng mahina kasi baka bigla niya akong sigawan o singhalin na patay gutom ako. Hindi ko rin maiwasang masarapan sa mga hinandang pagkain kaya nag patuloy kang ako sa pag-kain.
"Yow! Maddox my friend,"
Napalingon agad ako sa nagsalita at nakita ko agad ang mukha nito. Nakangiti ito habang naglalakad papunta sa amin o kay Maddox at nakita ko din na tinitigan siya ni Maddox.
"What are you doing here, Velasco?" malamig na tanong ni Maddox.
Ngumuso ito at umupo sa harap ni Maddox.
"Binibisita ka at ang laruan mo din." nakangising sabi nito sabay tingin sa akin.
Napayuko nalang ako at kumain nalang ulit.
"Leave, Velasco. Kung ayaw mong mamatay ng maaga." sabi ni Maddox.
Narinig kong tumawa yung lalaki kaya napatingin ako ulit sa kanila.
XAng bad mo naman ngayon Dadi Maddox pero di bale, pumunta talaga ako dito kasi may problema na nangyari sa kompanya." sabi nito sabay kindat kay Maddox.
"I told you to take care of it, you asshole." mariin na sabi ni Maddox.
Tumawa ulit yung lalaki at dumiretso na tumingin sa akin.
"Hey, you're Sunny right? I'm Ryder Velasco. Maddox's friend." sabi niya sabay kindat.
Napalunok naman ako habang tinitigan siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Leave, Velasco or I'll kill you right now." awtoridad na sabi ni Maddox.
Tinaas ni Ryder ang mga kamay niya na parang nag su-surrender kaya nanliit ang mata ni Maddox sa kanya.
"Chill bro, ayaw ko pang mamatay ng maaga" sabi nito sabay tingin kay Maddox.
"Then, leave!"
Napangiwi si Ryder.
"Hindi mo naman sinabi na ang hot ng laruan mo. Baka pwedeng magamit kahit isang araw lang?"
Nakita kong umigting ang panga ni Maddox at hindi ko rin maiwasan na mahiya sa harapan nila. Kung si Maddox ay seryoso si Ryder naman ay hindi seryoso kaya hindi ko na talaga alam kung ano pa ang takbo ng mga isip nila.
"Get the f**k out here Velasco!" matinding sabi ni Maddox sabay tinitigan ng masama si Ryder.
Natawa ulit siya at umiling-iling.
"Sige na nga, init ng ulo ni master. Jusmeyo marimar," sabi nito.
Tumayo ulit si Ryder at nilagay ang mga kamay sa dalawang bulsa niya at ngumiti. Hindi na siya nag atubili pang umalis kasi alam kong natakot din siya sa pinsan niya pero ginagamit niya lang ang pagka-abnormal niya kaya siguro para hindi maramdaman na natatakot din siya.
Napakagat nalang ako sa labi at nag-patuloy sa pag-kain. Lumipas ang ilang minuto ay umalis agad sa gilid ko si Maddox ng walang paalam kaya naguguluhan ako kung bakit hindi niya lang man ang sinaktan o kahit ano.
Ako nalang ang naiwan sa hapag-kainan kaya inayos ko nalang lahat ng pagkain doon. Inisa-isa ko iyon na niligpit at nilagay sa lababo ang mga nagamit na pinggan, baso at kurbyetos. Hindi ako nag-dalawang isip na hugasan ang mga naiwang plato at iba pa kaya nag-simula na akong mag hugas.
"Oh, Hija. Bakit nandyan ka?"
Napalingon agad ako sa nag-salita at nakita ko si Manang Nena na naglalakad papalapit sa akin. Nakakunot ang noo niya habang tinitigan ako pero tinapos ko na ang hinugasan ko kasi malapit din naman iyong matapos.
"H-Hinugasan ko lang po." mahina kong tugon sabay nag-hugas na ng kamay.
"Hindi mo na dapat yan ginawa," sabi niya.
Ngumiti ako ng maliit.
"Okay lang po, hindi naman masyadong madami." sabi ko sabay tinitigan siya.
Ngumito ito at tumango.
Sinabi ni Manang na umalis daw si Maddox para pa Manila kasi may gagawin daw siya doon kaya nag paalam ako kay Manang Nena na pwede ba mag libot sa buong bahay. Sumang-ayon naman si Manang Nena kaya nag libot-libot kami sa buong labas ng bahay.
Hindi ko maiwasang magandahan ulit sa labas ng bahay, naging masulit din ang pag libot namin kaya nong nakaramdam ako ng pagod ay huminto kami sa garden ng bahay. Umalis sandali si Manang Nena para bumalik ng bahay kaya sinabihan ko siyang dito lang ako sa garden. Hapon na kaya mukhang may gagawin si Manang kaya siguro umalis siya sandali.
Nilapitan ko ang isang rose doon sa may gilid. First time kong makahawak ng mga roses sa buong buhay ko. Nakikita ko lang ito minsan sa labas ng school kapag may event na Teacher's Day or Mother's Day na araw at nag bebenta sila doon ng mga ganito.
Isang pink na rose iyon kaya nakuha niya talaga ang atensyon ko. Napangiti ako habang hinahawakan iyon at hinahaplos. Kung pwede lang pumitas ng bulaklak ngayon ay nagawa ko na sana, pero hindi ko maiwasang ma guilty din kasi may sarili din naman silang buhay atsaka naawa din ako kasi baka kung pitasin ko lang ay baka hindi na mabuhay.
"You're smiling like an idiot."
Napatayo agad ako sa gulat ng narinig ko ang boses ni Maddox galing likuran ko. Dahil sa gulat ko ay napahawak ako sa dibdib ko at agad siyang tinitigan. Nakatingin din siya sa akin na blanko ang expression niya, naka white t-shirt siya ulit at black jeans. Kung kanina ay shorts ang suot niya pero ngayon iba na.
"What the f**k are you doing here?" malamig niyang tanong sabay lapit sa akin ng kaunti.
Napanguso ako at umiwas ng tingin.
Alam ko na masama ang mag mura pero bakit kung siya ay hindi?
"P-Pasensya na. N-Nag l-libot lang ako," nauutal kong sabi.
Kahit na tahimik masyado ang paligid ay rinig na rinig ko ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung takot ba ito o hindi.
"Get in the house." mariin niyang utos.
Agad akong tumango at yumuko, naglakad na ako at nilagpasan siya kahit na malaki ang katawan niya at na-aamoy ko ang kanyang pabango ulit. Hindi ko maiwasang maalaala yung ginawa namin sa study room niya.
Eee, bakit ko ba iniisip yon?
Hindi pa ako nakapasok ay nadapa ako sa gilid dahil sa isang bato na hindi ko nakita. Hindi ko maiwasang mahiya, ang tanga ko naman para hindi iyon makita. Nanlaki ang mata ko nang may humila sa kamay ko at pinatayo agad ako. Nakita ko ang masamang tingin ni Maddox sa akin at lumipat iyon sa katawan ko.
"Watch where you're going, you stupid girl." he insulted.
Sa isang iglap ay agad niya akong nakuha at pinatayo.
Napakagat ako sa labi at yumuko para tumango. Hindi ko naman kasalanan kung bakit may bato doon diba?
O sadyang bulag lang ako? Hindi ko alam!