Tanghali nan nang mapagpasiyahan nilang bumaba na ng bundok. May mga dapat pang asikasuhin kaya ibinilin na lamang iyon ni Lorenzo sa mga tauhan niya. Napangiti naman si Elle habang nakatingin sa mga taong kumakaway sa kanila habang papalayo sila. Naging mabilis ang usad nila dahil hindi na puro paakyat ang dinadaanan. Pababa na kaya hindi na rin masiyadong nakakapagod. Bandang alas-kuwatro y media nga ay nakarating na sila sa patag. Kaagad na nagsakayan na sa van na nakaparada. “Pinakuha ko na ang sasakyan namin dahil paniguradong sa pagod wala ni isa sa amin ang gustong magmaneho pauwi,” sambit ni Lorenzo. Tila basang-basa nito ang nasa kaniyang isipan. “Ah,” sagot lamang ni Elle at pumasok na sa loob. Umupo na siya sa gilid at tumabi naman sa kaniya si Lorenzo. Napatingin naman s

