“Elle, may bisita ka,” wika ng kasambahay. Napakunot-noo naman si Elle dahil wala naman siyang inaasahan. May importanteng pinuntahang meeting si Emilia kaya siya ngayon ang naiwan sa bahay. “Sino?” tanong niya rito. “Hindi ko natanong ang pangalan eh. Nasa labas naghihintay sa ‘yo. Hindi ko na pinapasok dahil wala siya sa listahan ng mga puwedeng papasukin,” sagot nito. Tumango naman siya at naiintindihan niya iyon. Lumabas na siya ng bahay at pagkabukas nga niya ng gate ay nagulat siya nang makita ang matangkad na lalaki. “Elle,” saad nito habang nakangiti. “D-Dane, ano’ng ginagawa mo rito?” aniya. Niyakap naman siya ng binata. “It’s great that you’re here. Last time na pumunta ako rito walang tao rito sa inyo. I came here in the city to meet up with my friends. Kaya naisip ko na

